Rocco Nacino challenges netizen for "pa-acting acting na lang" comment

IMAGE Noel Orsal

Rocco Nacino to netizen who seems to be belittling his profession as an actor: "Ang 'pa-acting acting na lang' na sinasabi nyo po ay di biro din po. It's a tedious art that is physically, mentally, and emotionally demanding."


Halatang hindi nagustuhan ni Rocco Nacino ang comment ng isang netizen na tila minaliit ang kanyang propesyon bilang isang artista. 

Nitong Huwebes, November 23, pinuri ng Twitter user na si @pixiechic ang pagtatapos ng Kapuso actor ng Masters Degree in Nursing.


Stories We Are Tracking

Rocco Nacino finishes masters degree in nursing cum laude
Rocco Nacino finishes masters degree in nursing cum laude

Usisa pa ng netizen, kung tuloy-tuloy na ba ang intensyon ng 29-anyos na aktor na gamitin ang kanyang pinag-aralan sa nursing.

“So...will you now pursue this field now? Sayang naman yung efforts mo kung hindi...

“Pa-acting acting na lang pag me tym...”

Hindi ikinatuwa ni Rocco ang huling hirit ng netizen kaya sinagot niya ito ngayong Biyernes ng umaga, November 24. 

Depensa ng StarStruck V Second Prince, hindi madali ang tinuran ng netizen na “pa-acting acting.”

“Ang ‘pa-acting acting na lang’ na sinasabi nyo po ay di biro din po. It's a tedious art that is physically, mentally, and emotionally demanding.”

Hinamon pa ni Rocco ang netizen na umarte upang malaman nito kung gaano kahirap ang trabaho ng isang aktor. 

“I challenge you to portray a role and do a scene with me. Para lang po malaman nyo.:)”

Nagtapos ng cum laude si Rocco para sa kanyang Master of Arts in Nursing nitong November 21 sa St. Bernadette of Lourdes College sa Fairview Quezon City.

Naging registered nurse siya noong 2009.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN