Piolo Pascual on war victims in Marawi City: "May mga taong hindi maayos ang buhay not by choice."

IMAGE Glenn Regondola

Piolo Pascual is planning to go to Marawi City to "see the properties that we can buy, so we can build the houses there."


Maraming pinahanga ang aktor na si Piolo Pascual sa pag-donate nito ng isang milyong piso para sa rehabilitasyon ng mga displaced families sa Marawi City nitong nakaraang buwan.

Ang suportang ito ay iniabot niya sa action star na si Robin Padilla na siyang nagpasimuno sa programang Bangon Marawi (Together We Shall Rise), para matulungan ang mga naapektuhan ng giyera sa Marawi.

Bukod kay Piolo, nagbigay din ng kalahating milyon ang kaibigan niyang direktor na si Bb. Joyce Bernal.

Pahayag ng Kapamilya actor, "Yeah, it all started with Joyce.

"Sabi niya, si Binoe [Robin], sa Marawi, may housing siya.

"Para yun sa 'bakwits' na may na-displace na more than 300,000 na families.

"So sabi niya, kapag nakuha ko yung first pay check ko sa Kita Kita, ibibigay ko ang half million.

"Nakakahiya naman, 'di ba?

“Mas malaki ang kinita ko sa kanya 'tapos magbibigay siya ng ganung kalaking halaga.

"So sabi ko, 'Sige, Joyce, magbibigay din ako.'

"True enough, nang makuha namin yung first pay check, I was with Erickson ng Cornerstone." 

Si Erickson Raymundo ang talent manager na kaibigan at co-producer nina Piolo at Bb. Joyce.

Dugtong ni Piolo, “Sabi namin diretso na tayo kay Binoe, ibigay na natin."

Nagkataon namang nasa shooting noon si Robin para sa pelikulang Unexpectedly Yours.

Kuwento ni Piolo, "So we went over there, pumunta kami sa shoot.

“Ikinuwento na niya yung mga nangyari sa Maranaos, and it changed my life.

“We're living here a good life, and then you realize na these people are homeless.

“And they're forced out, na nawalan ng mga trabaho.

"That broke my heart and it opened my eyes to an awareness.

“May mga taong hindi maayos ang buhay not by choice.

"And war is happening, so we have to do something to prevent it to happen in our area.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun naman ang battlecry ni Binoe.

“Parang kesyo mangyari sa Luzon, and the Maranaos took the beatings.

"And it stopped right there.

"It's really important to us to raise awareness kaysa if it goes out of hand.

“Baka buong Pilipinas ay masakop."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Piolo sa media launching niya bilang kauna-unahang celebrity endorser ng first Filipino on demand delivery app na Mober.

Ginanap ito sa Metro Club Rockwell, sa Makati City, noong November 20.

FUND-RAISING PROJECTS. May iba pa ba siyang plano pagkatapos niyang mag-donate para sa mga bikitma ng kaguluhan sa Marawi?

Ayon sa 40-year-old actor, "Ang dami kasing kuwento.

"Kasi nga, we already had a telethon with ABS CBN, which was very gracious.

"When I pitched the idea and they had a telethon also, so I said, 'Let's just combine it.'

"So we were able to  have the ASAP telethon, and we were able to raise at least 13 million pesos for Marawi on that day.

"So it's ongoing, it's not a one-time thing.

"We want to go personally to Marawi, see the properties that we can buy, so we can build the houses there.

"ABS-CBN is also providing education and livelihood as well.

"Maganda kasi magtutulungan tayo.

“Kakalimutan natin ang relihiyon, kakalimutan natin ang social classes," pagtatapos ng Kapamilya actor. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN