Marvin Agustin ready to add another feather to his cap

IMAGE Noel Orsal

A man of many parts, Marvin Agustin says he has a lot on his plate: "Kung anu-ano ang pinagkakaabalahan ko... Aral, 'tapos trabaho, 'tapos execute. It's always about business, culinary, film. Hindi pa ako nagsa-scientist." 


“Gusto ko ng masayang buhay,” ang tumatawang bungad ni Marvin Agustin nang tanungin kung bakit siya nagdesisyong magtrabaho muli sa GMA Network.

Nagbibiro lang daw siya at ikinuwento ang pag-uusap nila ni GMA Films president Annette Gozon na umabot sa GMA Entertainment TV vice president for drama Redgie Magno.

Lahad ni Marvin, “It started nung nagme-message kami ni Annette, kasi I graduated filmmaking.

“Sabi ko sa kanya, ‘Baka meron kang mga projects diyan na puwede kong gawin?’

“Sabi niya, ‘Sige, itatawag ko kila Tita Redgie.’

“E, hinahanap pala nila ako para sa soap na ito.”

Ang Kambal, Karibal ang tinutukoy ni Marvin, ang latest primetime teleserye ng GMA-7.

“Akala nila nasa States pa ako. ’Tapos' ayun, sabi nila, ‘O gawin mo itong project na ‘to! 'Tsaka ka na mag-direct.’

“But we’re still talking about it. Baka next year na kasi nagka-can kami ng mga eksena.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Enterainment Portal) si Marvin sa grand launch ng Kambal, Karibal nitong Martes, November 21, sa Le Reve Pool Party Venue and Events Place sa Quezon City.

DIRECTORIAL ASPIRATION. Nais nga raw ni Marvin na pasukin ang directing lalo’t natapos niya ang three-month course na Digital Filmmaking sa New York University nitong last quarter of 2016.

“Matagal ko nang gusto, dine-delay-delay ko lang kasi ang dami kong…

“Kung anu-ano’ng pinagkakabalahan ko sa buhay ko.”

Kaya ang yaman na niya.

“Hindi, masipag lang,” mabilis niyang balik.

“Early last year yun, nasa crossroad ako. ‘Ano ba ang gagawin ko? Should I really just continue culinary, restaurants?’

“E, gusto ko na rin magdirek.”

Sabi nga raw sa kanya ni Lino Cayetano, direktor niya that time sa isang show sa ABS-CBN, “‘Magdirek ka na!

“‘Hangga’t bata ka pa at kaya mong magpuyat pa, gumising nang maaga.

“‘Pag hindi mo na kinaya ‘yan physically, hindi ka na mag-e-enjoy.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Umalis ako, nag-Filmmaking ako sa New York!”

Kung sakali, hindi rin daw niya alam pa kung sino ang mga artistang gusto niyang idirek at kung anong klaseng project.

Sabi ni Marvin, “Siguro malalaman ko 'yan habang nagtatrabaho ako.

“But, of course, sa pinagdaanan ng buhay ko at mga lessons ko in life, ma-family or love story iyan.”

AMONG SHOWBIZ’S RICHEST. Ano ang nararamdaman niya kapag sinasabing isa siya sa pinakamayamang artista sa ngayon.

“Hindi ko alam kung saan nanggagaling talaga,” at natawa si Marvin.

“Hindi ko naiintindihan, dahil mas marami pang mas magagara ang buhay kaysa sa akin.”

Paniniwala kasi ng marami, sa mga artista sa Pilipinas, dahil sa dami ng negosyo ni Marvin ay isa nga siya sa pinakamayaman.

Reaksiyon niya, “Ha? Kaya nga, nag-artista.”

Ilan na ba ang restaurants niya?

“Ahhh… I’ve lost count.”

E di ang yaman na nga niya?

Tanggi na naman ni Marvin, “No, kasi we went through rin… some of them didn’t do well, so nag-close kami.

“But we’re opening three more this year. So may mga na-close, may mga ino-open kami.”

Sa palagay niya ay ano ang sikreto ng tagumpay niya bilang businessman?

“I’m just determined! Kilala naman nyo ako, 'pag may pinasok ako. Talagang walang secret sa akin o walang formula.

“Ang lagi ko lang ginagawa, pagsipagan, I just give my hundred percent.

“I just give my one hundred percent lagi.

“Aral ako, 'tapos trabaho, 'tapos execute. Ganun lang lagi.

“Kumbaga tahimik akong magtrabaho, e.”

Ang mga kursong natapos na ni Marvin bukod sa Digital Filmmaking ay ang Managing the Arts Program ng Asian Institute of Management, at Fundamentals in Culinary sa International School for Culinary Arts.

Nagma-masters din siya ng Entrepreneurship sa Ateneo de Manila University sa kasalukuyan.

“I still have two modules. Kung tuluy-tuloy, siguro one year pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam nyo naman, kung anu-ano ang pinagkakaabalahan ko,” at tumawa si Marvin.

“Pero it’s always about business, culinary, film, diyan lang naman ako.

“Hindi pa ako nagsa-scientist, so...,” at tumawa si Marvin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN