Luis Manzano confirms he's not hosting Pilipinas Got Talent Season 6

IMAGE Noel Orsal

Usap-usapang si Luis Manzano na mismo ang umiwas na makasama ang ex-girlfriend na si Angel Locsin sa bagong season ng Pilipinas Got Talent. Si Toni Gonzaga ang hahalili kay Luis sa season 6 ng show.


Kinumpirma na ni Luis Manzano na hindi na nga siya babalik sa paghu-host ng Pilipinas Got Talent (PGT) sa bagong season nito.

Limang season na ang itinakbo ng show kung saan si Luis at Billy Crawford ang original hosts nito nung nagsimula itong umere sa ABS-CBN taong 2010.

Ngunit ngayong Season 6, si Toni Gonzaga na ang magiging co-host ni Billy.

Ikinadismaya naman ito ng fans ni Luis. Ngunit ayon sa award-winning TV host, para naman daw ito sa ikakaganda ng show.

Sa pamamagitan ng Twitter kagabi, November 24,  inihayag ni Luis ang kanyang dahilan kung bakit umalis na siya sa show sa Season 6 nito.

Tanong ni @joyilagan, "Parang its not PGT kundi kaw yung andun. Im not against Toni. Magaling sya.Nka tatak lang yung PGT na LuisBilly#justanopinion."

Tugon ni Luis, “Something new for everyone :) i opted out for the betterment of the show.”

Ayon naman sa isa pa niyang fan, parang tatak Luis-Billy daw kasi ang PGT kaya parang kulang kapag wala na siya sa show.

Tugon niya dito, “Ibang flavor dala ni Toni! :) siyempre, Toni 'yan, e.”

May mga nagsasabing si Luis na mismo ang umiwas na makasama ang ex-girlfriend niyang si Angel Locsin na isa pa rin sa mga judges ng show.

Nagkasama ang dalawa sa Season 5 ngunit pumutok ang balitang naghiwalay sila noong papatapos na ang nasabing season.

Ngayon ay si Jessy Mendiola na ang girlfriend ni Luis. Samantalang usap-usapan namn ang pagkakamabutihan nina Angel at ng negosyanteng si Neil Arce.

Ang tatlo pang hurado sa patimpalak ay sina Freddie Garcia, Robin Padilla, at Vice Ganda.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN