Xander Ford is not missing; wants to take a break from showbiz for a few months due to over fatigue

IMAGE Nerisa Almo

Gusto raw muna magpahinga ni Xander Ford sa showbiz. Pagod na pagod na raw siya at tila nagkakasakit na raw siya sa dami ng trabaho.


Kumalat kahapon ng hapon, November 24, ang balitang missing daw ang baguhang artistang si Xander Ford.

Ang kanyang management mismo ang nag-anunsiyo nito sa Facebook kung saan sinabi rin nila na ng dalawang shows daw ang kinansela nila dahil hindi nga nila mahanap si Xander—na kilala dati bilang si Marlou Arizala.

Ayon pa sa kanyang management, “XANDER FORD IS MISSING!

"Cancelled Events due to Xander's disappearance:

"Nov. 23 - Higantes Festival, Angono Rizal 

"Nov 24 - Primark Town Center - E Home Grand Opening, Sta Cruz Laguna

"Star Image is doing all the necessary legal actions to find him. The management also ensures that the persons responsible for his sudden disappearance will be apprehended. The family of Xander is also serious to file a case against the people behind this conspiracy.

"Any information with his whereabouts, please directly contact the numbers below or send PM on this page.”


Ngunit ilang oras ang nakalipas, nag-upload ng video si Xander sa Facebook kung saan pinasinungalingan niya na siya ay nawawala.

Sabi niya, “Hindi po totoong nawawala po ako.”

Ang gusto raw muna niya ay makapagpahinga ng ilang buwan dahil pagod na pagod na raw siya.

Nagkakasakit na rin daw siya sa dami ng trabaho na ayon pa sa kanya, “Hindi po ako robot.”

Narito ang buong pahayag ni Xander:

"Actually guys nagpapahinga lang ako ngayon and siguro pagod na pagod po ako. Actually, wala pa po akong kain, hindi pa rin ako makaligo kasi may sakit na rin po ako.

"Pero okey lang po ako, hindi po ako nawawala. Alam naman po ito ng mga kapatid ko. Hindi ko lang po muna sinasabi kung saan po ako para po wala po munang pumunta kasi mas gusto kong tahimik po muna.

"Gusto ko po sanang huwag muna po mag-work kahit na ilang buwan po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang napapagod lang po ako, and 'di po ako robot. And hindi po ako nakapag-post po sa social media, wala po akong Facebook page, Instagram, and Twitter.

"Wala din po akong cellphone and tahimik po muna ako ngayon. And update ko na lang po kayo.

“Hindi po totoong nawawala po ako.”

FINDING XANDER: Sa pinakahuling update ng kanyang management ngayong araw ng Sabado, November 25,patuloy pa rin daw nilang hinahanap ang kinarooonan nito sa Cavite. Nagpatulong na rin daw sila sa alkalde ng Imus upang matunton ang kanilang alaga.

Ang gusto lang daw nila ay mahagilap ito upang mamuhay muli nang normal at makapagtrabaho nang maayos.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN