Celebs lead online voting campaign for Miss U 2017 PH bet Rachel Peters

by Arniel C. Serato
Nov 25, 2017
Celebrities urge netizens to continue voting for Miss Universe 2017 PH bet Rachel Peters to assure her of a slot in the semi-finals, which will be held tomorrow night, November 26, in Las Vegas, Nevada. #Philippines trended earlier today because of the celebrity-driven voting frenzy.  

Ilang oras nang number one trending topic ngayon sa Twitter (Philippines) ang hashtag na #Philippines dahil nalalapit na ang pagsasara ng botohan para sa Miss Universe 2017 kunsaan ang pambato ng bansa na si Rachel Peters ang isa sa mga early favorites.


Mga celebrities at mismong mga netizens ang nag-engganyo sa lahat upang patuloy pang iboto si Rachel sa missuniverse.votenow.tv at mag-tweet at mag-retweet sa Twitter ng hashtagas na #MissUniverse #Philippines.

Continue reading below ↓

Ipinaalala rin nilang huwag maglagay ng anumang emoji at iba pang hashtags sa tweet dahil hindi ito mabibilang.

Si Vice Ganda naman ay muling nanawagan ngayong tanghali sa live episode ng It's Showtime na patuloy pa sanang iboto si Rachel ng mga manonood.

Nag-tweet din siya kaagad at sinabi niyang ang susunod na Miss Universe ay mula sa Pilipinas.

Linggo ng gabi bukas (November 26, oras sa Las Vegas at Lunes, 8:00 a.m. Philippine time), gaganapin ang pageant sa Amerika kunsaan halos 90 candidates mula sa iba't ibang panig ng mundo ang maglalaban-laban para sa titulong Miss Universe 2017.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrities urge netizens to continue voting for Miss Universe 2017 PH bet Rachel Peters to assure her of a slot in the semi-finals, which will be held tomorrow night, November 26, in Las Vegas, Nevada. #Philippines trended earlier today because of the celebrity-driven voting frenzy.  
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results