Bubbles Paraiso happy about brewing romance between Angel Locsin and Neil Arce

IMAGE Bubbles Paraiso Instagram

Bubbles Paraiso on brewing romance between good friends Angel Locsin and Neil Arce: "Of course, I'm very happy for them. All I can say, coz everything else is their story to tell, but I'm just happy that now they're very vocal about it, they're posting about it, so happy ako."


Bilang isa sa mga malapit na kaibigan ng rumored couple na sina Angel Locsin at Neil Arce, nagpahayag ng saya si Bubbles Paraiso sa nababalitang relasyon ng dalawa.

Pahayag ng aktres sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa nakaraang gala night ng Cinema One Original movie na Historiograpika Errata na ginanap sa Trinoma Cinema 2 last November 15, tuwang-tuwa si Bubbles na nagkagustuhan ang dalawa sa pinakamalalapit niyang mga kaibigan

Lahad niya, “Of course, I’m very happy for them.

“All I can say, coz everything else is their story to tell, but I’m just happy that now they're very vocal about it, they're posting about it, so happy ako.

“Boto? Yes, you know, Neil is one of my bestest friends. He’s my closest guy friend.

“Of course, when that happened, ako yung tuwang-tuwa kasi pareho ko silang kaibigan.”

BRIDGE? Agad naming tinanong si Bubbles kung siya ba ang naging tulay kung bakit nagkagustuhan ang dalawa.

Aniya, “Yeah, but even before, Neil and I have been friends, just like how Angel and I have been friends for so many years na.

“People didn’t know that Neil and I are friends also because Angel and I are always hanging out and Neil is a good friend, naging one big group na rin kami.

“Di alam ng tao na matagal na kaming magkakaibigan. Of course, he’s the one behind the camera.”

INTRIGUES. Bago pa man pumutok ang balita tungkol kina Neil at Angel ay may ilang netizens din na nagbigay ng malisya sa pagkakaibigan nina Bubbles at Angel, lalo’t super close ang dalawa. Pinagtawanan lang daw nila ito ni Angel.

Sabi niya, “You know, it’s super funny as in pinagtawanan lang namin yun, parang ginawa pa namin yung joke sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa amin kasi it’s super like okay, especially both of us are one of the boys.

“If we hang out with boys, mali-link kami sa kanila. Tapos nun mag-hang out tayo, all of a sudden ili-link kami.

“Kanino kami makiki-hang out? Lahat na lang may malice, babae o lalake, everyone we hang out with mali-link din naman kami.”

SHOWBIZ COMEBACK. Matapos ng matagal-tagal na pamamahinga ni Bubbles mula sa showbiz, ngayon ay nagbabalak siyang maging aktibo muli sa pag-arte.

Pagmamalaki niya, “I just signed with a new management, that's what I can say na.

“I’m under a new management, and yun, may mga pinaghahandaan na mga projects.

“Actually, yeah, I did. Na-miss ko siya.

“Recently, kinuha ako ng Ipaglaban Mo para mag-guest sa kanila.

“After few years na di ako nag-showbiz, na nag-rest ako, biglang sinabak ako sa heavy drama.

“Dun ko na-realize na, 'Oh, my gosh! Na-miss ko ito!'

“Dun ako nagulat na nung sinabi ni Direk Andoy [Ranay] na, 'O, kailangan mong umiyak,' bigla akong umiyak. 'Oh, my God! Saan nanggaling ito?'

“Iba yung feeling. Different emotions, different roles.

“Parang the role that I played, ang layo nun sa real life.

“Kasi yung role, parang yung asawa ko pumatay ng kapatid ko, kumplikado and it’s something I couldn’t relate to.

“To be able to act it out, dun ko na-realize, 'Hmmm, maybe I should go back in the business.'”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN