Indie film actor Eugene Tejada faces murder raps

IMAGE Eugene Tejada Facebook

Nahaharap ngayon sa kasong murder ang indie actor na si Eugene Tejada matapos mamatay ang binugbog nitong isang office supervisor, na inakusahan ng kanyang ka-live in na nambastos diumano sa kanya sa loob ng isang supermarket.


Posibleng maharap sa kasong murder ang indie film actor na si Eugene Tejada, 29, dahil sa pagkamatay ng isang office supervisor ng isang supermarket.

Inaresto si Tejada dahil sa pambubugbog nito kay Frenil Bautista, 44, administrative officer ng Beta Equipment Sales Corporation, sa loob ng comfort room ng Puregold Banaba, San Mateo, Rizal branch, bandang alas-6:30 ng gabi, noong Miyerkules, November 22.

Dahil sa tindi ng pambubugbog sa kanya, nadurog diumano nang husto ang bungo ng biktima.

Ayon sa ulat ng inquirer.net, binawian ng buhay si Bautista nitong Biyernes, November 24.

Si Tejada ay lumabas sa ilang gay-themed movie, katulad ng Kubli.

Nag-ugat diumano ang insidente nang magreklamo ang live-in partner ni Tejada na si May Jana Malilin na hinipuan diumano siya ni Bautista sa loob ng supermarket.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ng pamilya at mga kamag-anak ni Bautista.

May sakit daw itong diabetes at high blood pressure, kung kaya't posibleng inatake ito at napasandal o natabig lamang nito si Malilin.

Nadala pa raw sa presinto sina Tejada at Bautista, ngunit hindi na raw masabi ng huli ang kanyang pangalan dahil sa tinamong bugbog.

THE OTHER SIDE OF THE STORY. Noong November 23, isang araw bago bawian ng buhay si Bautista, nag-post sa Facebook ang pamangkin nitong si Lorenz Marasigan.

Dito ay inilahad niya ang kundisyon ng kanyang tiyuhin matapos itong bugbugin ni Tejada.

Naglabas din siya ng saloobin kaugnay ng diumano'y maling bintang ng live-in partner ni Tejada na nauwi sa malagim na trahedya.

Ayon sa salaysay ni Marasigan, muntik nang mawalan ng malay ang kanyang uncle kaya aksidente itong napasandal sa likurang bahagi ni Malilin. Ito ay dahil sa may sakit na diabetes ang kanyang tiyuhin.

Naging over-acting lang daw ang babae at sumigaw na mina-maniac siya ng kanyang tiyuhin, na naging dahilan upang magwala si Tejada.

Dahil sa tinamong bugbog sa ulo ng kanyang tito, na-coma si Bautista hanggang sa tuluyan na itong bawian ng buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN