Jean Garcia adopts niece abandoned by mom

IMAGE Noel Orsal

Jean Garcia on adopted daughter Jessica: "Itong si Jessica noong dumating sa buhay ko, lakas makabata sa akin. Na-miss ko ang may inaalagaan ako na baby kaya ayan, nag-ampon ako ng pamangkin ko. She's so cute at napakakulit."


Noong kumustahin namin kay Jean Garcia ang anak nitong si Jennica, nagkuwento ito na may plano raw ito at ang kanyang mister na si Alwyn Uytingco na tumira sa Siquijor.

"Balak nilang bumili ng farm lot sa Siquijor.

"Gusto nilang magtayo ng isang organic garden doon.

"Nagustuhan nila doon kasi ang daming puwedeng itanim.

"Kaya pinag-iisipan na nilang mag-relocate doon kasama ang apo kong si Mori.

"Siyempre, bilang ina at lola, ayoko ring malayo sila sa akin.

"Pero buhay naman nila ‘yan at sila ang magdedesisyon.

"Ako naman, suporta lang ako sa mga gusto nila.

“Go with the flow na lang ako sa kanila,” kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Kambal, Karibal sa Le Reve Events Place in Quezon City last November 21.

ADOPTEPD DAUGHTER. Ipinakita rin ni Jean ang litrato ng adopted daughter niyang si Jessica.

Anak daw si Jessica ng kapatid niyang lalaki at inabandona raw ito ng kanyang ina.

Kaya si Jean na raw ang nag-aayos ng papers para ma-adopt niya ito legally.

"May pamilya na kasi si Jennica, tapos si Kotaro malaki na rin.

“Wala na akong mabe-baby sa bahay.

"E, itong si Jessica noong dumating sa buhay ko, lakas makabata sa akin.

"Na-miss ko ang may inaalagaan ako na baby kaya ayan, nag-ampon ako ng pamangkin ko.

"She's so cute at napakakulit.

"Kapag inaayusan ako, sumasali siya. Nagme-makeup din siya!" tawa ni Jean.

Minsan nang pinost ni Jean ang photo ni Jessica sa kanyang Instagram noong nakaraang October 15.

BACK TO KONTRABIDA ROLES. Sobrang na-miss daw ni Jean ang pagganap bilang kontrabida sa isang teleserye.

Kaya naman sa bagong primetime series ng GMA-7 na Kambal, Karibal ay balik kontrabida sita.

Matagal din kasing iniwasan ni Jean ang pagganap bilang kontrabida kaya sa simula ng taping niya ng Kambal, Karibal ay parang nanibago siya ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang tagal ko kasing hindi nagkontrabida, di ba?

"Unlike before, magkakasunod siya.

“E, bigla akong napahinga kaya parang nangalawang ako!” tawa pa niya.

Huling napanood si Jean sa teleserye na Pinulot Ka Lang Sa Lupa kunsaan mabait ang role niya.

Mabait din ang mga naging roled niya sa Once Again at The Half-Sisters.

"Kaya super-adjust ulit ako sa pagiging kontrabida.

"Yung role ko rito, palengkera na mukhang pera. Walang breeding.

"Kaya nag-enjoy ulit ako sa pagiging kontrabida ko.

"Parang bumalik lang ulit si Madame Claudia!” tawa pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN