Lovely Abella not rushing wedding plans with actor boyfriend Benj Manalo

IMAGE Noel Orsal

Comedienne Lovely Abella explains why she's not in a rush to marry actor-boyfriend Benj Manalo: "Madaling magpakasal po, pero mahirap pag-ipunan. Una po kasi sa plano namin ni Benj ay ang makabili muna ng bahay namin."


Mukhang matatagalan pa raw ang pagpapakasal ng Kapuso comedienne na si Lovely Abella sa actor-boyfriend nitong si Benj Manalo.

Sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lovely sa presscon ng pelikulang Trip Ubusan: The Lolas Vs. Zombies noong nakaraang November 15 sa Matrix Creative Events Venue in Quezon City, kailangan daw nila ng sapat na ipon ni Benj bago nila ituloy ang plano nilang magpakasal.

"Madaling magpakasal po, pero mahirap pag-ipunan.

"Una po kasi sa plano namin ni Benj ay ang makabili muna ng bahay namin.

"Umuupa pa rin kasi kami sa may Novaliches.

“Gusto po naming dalawa na magkaroon muna ng house bago kami ikasal para handa na lahat.

"Nagtutulungan naman po kaming dalawa.

"Tsaka marami pa kaming gustong gawin pa sa buhay namin.

"Pareho po kaming may career na inaasikaso at gusto rin naming ihanda ang mga anak namin sa mga puwedeng mangyari sa relasyon naming dalawa.

"Ang importante po ay nandiyan kaming dalawa para sa isa’t isa at yung walang iwanan,” pagmamalaki niya.

GOOD RELATIONS WITH EX. Tinanong din namin si Lovely tungkol sa ama ng kanyang 10-year old daughter.

Okey naman daw ang relasyon nito sa kanilang anak at tumutulong ito sa mga gastusan nito sa school.

Kuwento niya, "Seaman kasi yung tatay ng anak ko.

“Kapag nandito siya sa Manila, I make sure na nagkikita sila.

"Kapag may mga kailangan ang anak namin sa school lalo na kapag bayaran ng tuition fee, nagpapadala siya agad.

"Kinukunan ko pa ng picture yung mga resibo para makita niya kunsaan napupunta ang mga padals niya.

"Mahirap na yung magkaroon kayo ng problema, di ba?"

Nine years daw silang nagsama ng ex-boyfriend hanggang sa nauwi sila sa hiwalayan.

"Hindi rin kami kinasal no'n.

"Parang nagkasawaan na lang kami.

"Ang hirap kasi ng situwasyon namin noon.

“Seaman siya tapos long distance ang relasyon namin. Once a month ko lang siya nakakausap noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya it came to a point na nagdesisyon kaming mag-part ways na.

"Masakit kasi nine years din kami. Ayaw na naming umabot sa mag-aaway kami.

“Inisip na lang namin yung anak namin," patuloy niyang kuwento.

Ngayon ay friends sila at pati raw si Benj ay kaibigan nito.

"Okey naman kaming dalawa. Kilala rin niya si Benj.

"May pamilya na rin yung ex ko.

“Sa akin naman, the past is past.

"Puwede pa rin naman kaming maging magkaibigan.

"Magkakilala rin ang mga anak namin.

“Kaya mas maganda ang ganito na maayos at masaya ang mga taong mahalaga sa buhay mo," ngiti pa niya.

BUSY SHOWBIZ SKED. Isa nga sa pinaka-busy na komedyante ngayon sa TV si Lovely.

Bukod sa Sunday Pinasaya, napapanood pa siya sa Bubble Gang at ngayon ay introducing siya sa pelikulang Trip Ubusan: The Lolas Vs. Zombies.

"Na-experience ko na rin ang magkaroon ng pelikula.

"Ganun pala yun. Pati ang dubbing natuwa ako.

“Kailangan kung ano ang inarte mo sa shooting, dapat mas husayan mo sa dubbing.

"Sarap lang isipin na nakasama ako sa movie ng mga Kalyeserye lolas.

"Tsaka di po ako nagpatawa rito. Drama kung drama.

“Kung ano ang makikita ninyong iyak ko sa big screen, totoo iyon. Panget po ako umiyak!" natatawa niyang kuwento.

BEAUTY PRODUCTS BUSINESS. Dahil sa sunud-sunod na blessings ni Lovely, nag-iisip na ito magtayo ng sariling negosyo.

Lahad niya, "Nag-aral po kasi ako kung paano gumawa ng nga sabon at lotion na pampaganda.

"Gusto kong magkaroon ng facial business. Hilig ko kasi ang mga pampaganda.

"Before po kasi may business ako na tubigan at nail salon. Sinara ko na lang kesa malugi ako.

"Naging busy na rin po ako sa mga trabaho ko sa TV. Kaya hindi ko na sila natutukan tulad dati.

"Since wala naman akong mga partners sa mga negosyo kong yon, sinara ko na lang bago pa ako magkautang nang malaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa ngayon, tutok muna ako sa showbiz.

“Kapag okey na ang lahat at may pang-negosyo na ako ulit, doon tayo magsimula sa gusto kong pampa-beauty business."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN