Bianca Umali rewards herself with advance birthday, Christmas gift

IMAGE Noel Orsal

Bianca Umali splurges on her advance birthday and Christmas gift, a brand new Ford SUV: "Sabihin na po natin na parang advance Christmas and birthday gift ko na ang SUV. Matagal ko ring pinag-ipunan iyon and I guess it's the right time na mabili ko na siya."


Turning 18 years old na si Bianca Umali sa March 2018.

Wala pa raw siyang plano para sa kanyang debut, pero mukhang nakabili na siya ng advance birthday gift niya.

Nakabili si Bianca ng Ford SUV na gagamitin niya para sa mga personal na lakad niya.

Lahad niya, “May van na po kasi ako na ginagamit ko for tapings.

“Itong SUV naman, kapag may personal na lakad ako with family or friends.

“Ako naman ang nagmamaneho ng sasakyan ko kaya excited na akong i-drive siya.

“Sabihin na po natin na parang advance Christmas and birthday gift ko na ang SUV.

“Matagal ko ring pinag-ipunan iyon and I guess it’s the right time na mabili ko na siya.”

READY FOR MORE MATURE ROLES. Level up na raw ang BiGuel love team nina Bianca at Miguel Tanfelix dahil sa pagbibidahan nilang primetime teleserye sa GMA-7 na Kambal, Karibal.

Ayon kay Bianca, pa-graduate na raw sila ni Miguel sa mga pa-cute roles sa TV at panahon na raw na maging mature na sila sa kanilang acting.

“Yun po ang gusto rin naming mangyari ni Miguel, yung mabigyan kami ng kakaibang role para mailabas namin yung mga natutunan namin sa mga acting workshops.

“Dito po sa Kambal, Karibal ay mas mabibigyan kami ng mabibigat na scenes.

“Hindi po kasi siya pangkaraniwan na drama.

“May mystery siya. Thriller din po siya kasi may multo dito.

“Malayo ito sa mga nagawa naming mga past shows like Once Upon A Kiss, Wish I May, at Mulawin Vs. Ravena.

“During the story conference, sinabi lang nila sa amin yung mga characters namin, pero yung story pakonti-konti lang ang information na binibigay nila.

“Gusto nilang ma-surprise kami kada magte-taping kami.

“Kaya excited kami ni Miguel kasi may mga eksena rito na first time naming gagawin.

“Pero secret muna ang mga iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Abangan na lang po nila,” pahayag ni Bianca sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa press conference ng Kambal, Karibal sa Le Reve Events Place noong November 22 sa Quezon City.

DOES HER OWN STUNTS. Sa unang taping day daw nila ay mabigat na agad ang eksena.

Kinunan ang eksena na hinihila si Bianca sa bangin ng kanyang kambal na patay na ginagampanan ni Pauline Mendoza.

Wala raw dobol sa eksenang kinunang iyon at si Bianca at Pauline daw ang nakalambitin sa bangin.

“Kami po talaga ni Pauline yung gumawa ng eksena.

“Yung bangin naman po, hindi naman siya malalim talaga.

“Mababaw lang po at maganda lang yung anggulo ng kamera para magmukhang mataas siya.

“Pero mahirap pa rin po gawin yung eksena kasi kailangan nakakapit ako nang tama sa puno or else baka maaksidente kami ni Pauline.

“Siniguro naman ng buong crew ng taping na safe naming gawin yung eksena.

“May harness naman pong nakakabit sa amin, tapos doon sa baba ay may babagsakan kami nang maayos.

“Tsaka si Miguel, kailangan maayos din ang paghila niya sa akin.

“Kaya very challenging po ang first day taping naming lahat.

“Isa po ‘yan sa aabangan nilang eksena sa Kambal, Karibal,” kuwento pa ni Bianca.

EXCITED TO WORK WITH VETERAN STARS. Looking forward din si Bianca sa pakikipagtrabaho sa veteran stars na kasama nila sa cast.

“Excited po ako na makaeksena si Ms. Jean Garcia.

“Never ko pa po kasi siya nakakasama sa anumang teleserye.

“Kaya noong malaman namin ang buong cast kasama si Ms. Jean, natuwa ako kasi chance ko na ito to work with her.

“Hinahangaan ko po si Ms. Jean kasi ang galing niyang artista.

“Ready na po akong masampal niya dahil siya ang aapi sa akin dito sa istorya.

“Hindi lang po si Ms. Jean ang gusto kong makaeksena kundi pati sina Sir Gardo [Versoza], Sir Marvin [Agustin], Ms. Carmina [Villarroel], Sir Alfred [Vargas] at si Sir Christopher [de Leon].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa Kambal, Karibal, mapapanood din ang BiGuel love team sa comedy film na Barbi D’Wonder Beki kunsaan bida si Paolo Ballesteros.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN