Vice Ganda and Maine Mendoza seen together in one photo for the first time

IMAGE Instagram account of JM Rodriguez (middle) / Maine Mendoza / Vice Ganda

Maine Mendoza and Vice Ganda, who are hosts from rival programs, were seen in one photo for the first time. Maine is part of GMA-7's Eat Bulaga! while Vice is a host of ABS-CBN's It's Showtime.


Sa unang pagkakataon ay nakitang magkasama ang noontime show hosts na sina Vice Ganda at Maine Mendoza, na parehong kabilang sa magkatapat na programa.

Si Vice ay host ng ABS-CBN variety show na It's Showtime, habang si Maine Mendoza naman ay bahagi ng Eat Bulaga!, na umeere sa GMA-7.

Kagabi, November 25, ay ipinost ng TV host na si JM Rodriguez ang litrato nina Maine at Vice na magkasama sa isang bar sa Bonifacio Global City.

Saad lang niya sa caption, "About last night [heart emoji] @mainedcm @praybeytbenjamin"

About last night ?? @mainedcm @praybeytbenjamin

A post shared by JM Rodriguez (@jm_ro) on

Sa ngayon ay mayroon nang 16, 430 likes ang post ni JM.

May mga ilang netizens naman ang natuwa na sa wakas ay nagkita na rin ang dalawang TV host na parehong nakangiti sa litrato.


Noong May 2017 naman ay nabalita ang pagpo-post ni Vice sa Instagram ng litrato nila ng ka-love team ni Maine na si Alden Richards sa 48th Box Office Entertainment Awards.

Sabi ni Vice tungkol kay Alden, "Ang gwapo shit!"


Stories We Are Tracking

Vice Ganda on Alden Richards:
Vice Ganda on Alden Richards: "Ang gwapo, shit!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN