Maine Mendoza to netizen asking about her relationship with Jake Ejercito: "We are friends!"

by James Patrick Anarcon
Nov 26, 2017
Maine Mendoza (right) answers netizen's question about her relationship with Jake Ejercito (left). She said, "Huh? We are friends! May mali po ba doon?"

Sinagot ni Maine Mendoza ang isang netizen na nagtanong tungkol sa kaugnayan niya kay Jake Ejercito.

Sa tweet ni Maine noong November 25 ng umaga, nilinaw niyang magkaibigan sila ni Jake.

Tanong kasi ng netizen sa Eat Bulaga! host, "Ano ba kayo ni @unoemilio? Ang sakit sakit na kasi!"

Ang @unoemilio ang username ni Jake sa Twitter.

Sagot naman ni Maine sa netizen, "Huh? We are friends! May mali po ba doon?"

Sa ngayon ay nag-private na ang netizen na sinagot ni Maine subalit may mga ilang netizens na nakakuha ng screengrab ng tweet niya.


Continue reading below ↓

Pinaniniwalaang nag-ugat ang katanungang ito nang mag-post si Jake sa kanyang Instagram story ng isang litrato ng babae na sinasabi ng marami na si Maine.

Sa nasabing post, makikita ang isang babaeng nakatakip ang mukha na may suot na relo. Nakalagay din sa Instagram story na 6:00 a.m. ipinost ang Instagram story.

May mga ilang fans naman na nakapuna sa relo na suot ng babae sa litrato ni Jake at sinabing pareho ito sa suot na relo ni Maine sa isa sa kanyang mga litrato.


Continue reading below ↓

Samantala, ilang oras matapos ang pagsagot ni Maine sa Twitter ay nag-post naman si Jake sa kanyang Twitter account ng "Not my daughter please."

May ilang netizens na sumagot sa tweet na ito at humingi kay ng ipaliwanag kay Jake tungkol sa kanyang Instagram story.


Continue reading below ↓

Unang nagsama sina Jake at Maine sa "Kalyeserye" segment ng Eat Bulaga! noong January 2016.

Read Next
Read More Stories About
Jake Ejercito, maine mendoza
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza (right) answers netizen's question about her relationship with Jake Ejercito (left). She said, "Huh? We are friends! May mali po ba doon?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results