Rachel Peters makes it to Top 10 of Miss Universe 2017

IMAGE Instagram

Our very own Rachel Peters enters the Top 10 of Miss Universe 2017 pageant.


Umabante sa Top 10 ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters sa Miss Universe 2017.

Pasok din sa Top 10 ang mga kandidata mula sa Venezuela, USA, Canada, South Africa, Spain, Brazil, Colombia, Thailand, at Jamaica.

Ang sampung kandidatang nakapasok ay maglalaban-laban para sa evening gown competition na siyang pagbabasehan sa pagpili ng Top 6.

Aabante ang Top 6 sa first round ng question-and-answer portion or Q&A, na siya namang magiging basehan sa pagpili sa Final 3.

Uusad ang Top 3 sa final Q&A na siya namang magiging basehan para piliin ang Miss Universe ngayong taon.

Ang bagong Miss Universe ay kokoronahan ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ng France.

Ito ang 66th edition ng prestihiyosong international beauty pageant.

Kasalukuyang ginaganap ang Miss Universe 2017 sa The AXIS, Planet Hollywood, Las Vegas, Nevada, sa USA, ngayong Lunes, November 27 (Philippine time).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN