PH bet Rachel Peters fails to enter Final 5 of Miss Universe 2017

IMAGE Instagram

Rachel Peters's Miss Universe 2017 journey ends after she failed to enter Final 5.


Hindi umabot sa Final 5 ng Miss Universe 2017 ang kandidata ng Pilipinas na si Rachel Peters.

Ito ay matapos ang evening gown competition kung saan rumampa ang Top 10.

Ang mga nakapasok sa Final 5 ng Miss Universe 2017 ay ang mga kandidata mula sa South Africa, Venezuela, Thailand, Jamaica, at Colombia.

Sasabak sa unang round ng question-and-answer portion o Q&A ang Fna siyang magiging basehan upang piliin ang Final 3.

Uusad ang Top 3 sa final Q&A na siya namang magiging basehan para piliin ang Miss Universe ngayong tao.

Ang bagong Miss Universe ay kokoronahan ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ng France.

Ito ang 66th edition ng prestihiyosong international beauty pageant.

Kasalukuyang ginaganap ang Miss Universe 2017 sa The AXIS, Planet Hollywood, Las Vegas, Nevada, USA ngayong Lunes, November 27 (Philippine time).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN