Anne Curtis helps build classrooms in public schools

IMAGE @rustansph on Instagram

Through her Dream Machine foundation, Anne Curtis recently helped build additional classrooms for General Roxas Elementary School in Roxas District, Quezon City. The classrooms were named "Anita," inspired by her alter ego character in her children's book, Anita, The Duckling Diva.


“Anita” ang pangalan ng mga classrooms na ipinatayo ni Anne Curtis sa General Roxas Elementary School sa Roxas District, Quezon City at sa isang bayan sa Cavite.

Madaling makita ang mga classroom projects ni Anne dahil sa mural painting ni Anita, ang karakter at alter ego na nilikha ng TV host-actress at bida sa children’s book na isinulat niya para sa UNICEF, ang Anita, The Duckling Diva.


Ang pagpapatayo ng mga classrooms sa mga public schools ang isa sa mga itinanong kay Anne nang ibigay nito sa UNICEF ang P7.47 million na nalikom mula sa The Color Run Dream, isa sa mga projects ng kanyang foundation, ang Dream Machine.

“That’s one of my advocacies because I really believe in education for children.

“I have so much faith and belief in how important education really is for children and we have a lot more plans for Dream Machine.

“Pero next year na ‘coz medyo naging hectic ang latter part of the year, but so many things will be happening next year,” paliwanag ni Anne, na bahagyang nagulat dahil hangga’t maaari, ayaw niya ipaalam sa publiko ang kanyang mga charity works, pero nalalaman pa rin ng press.

MASS WEDDING. Bukod sa pagpapatayo ng mga classrooms sa mga public schools, pagtulong sa mga cancer-stricken children at pagbibigay ng financial support sa mga kabataan na tinutulungan ng UNICEF, may plano si Anne na tulungan na magpakasal ang mga kapus-palad na lumalapit sa kanya at gusto na maging legal ang pagsasama.

“Next year pa ‘yon pero we set out and people have been sending their applications,” lahad pa ni Anne na personal na pinipili ang mga tao na tutulungan niya.

MAKING OTHER PEOPLE'S DREAMS COME TRUE. Araw-araw na nakakatanggap ang Dream Machine ng emails mula sa mga tao na humihingi ng solusyon sa mga problema nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para makatiyak na karapat-dapat ang mga tutulungan ng Dream Machine, nagsasagawa si Anne at ang kanyang staff ng background investigation.

Bukod sa mga email na ipinadadala sa Dream Machine, may mga tao na sinasabi ang mga personal na problema kay Anne sa pamamagitan ng Twitter account nito at nagugulat na lamang sila dahil sa hindi inaasahan na pagtulong sa kanila ng TV host/actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN