Alden Richards chooses to ignore bashers: "In their eyes, we're always wrong no matter how good we do."

IMAGE Nerisa Almo

Alden Richards on haters: "In their eyes, we're always wrong no matter how good we do. The wrong ones are still what count when it comes to those bashers."


Tanggap na raw ni Alden Richards na hindi mawawala ang bashers sa buhay niya bilang artista.

Sandaling nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden bago siya pumirma ng kontrata para sa bago niyang endorsement noong Biyernes, November 24.

Dito ay kinumusta namin kung hanggang ngayon ba ay nakatatanggap pa rin siya ng hate messages.

Kamakailan lang ay inulan ng batikos ang isang Thai host dahil sa ibinulgar nitong sinabi umano ni Alden na single siya ngayon.

Hindi rin nagustuhan ng ilang fans ng tambalan nina Alden at Maine Mendoza, na kilala bilang AlDub, ang sinabi ng Kapuso actor.


Stories We Are Tracking

Thai host draws flak from Pinoys for saying Alden is single
Thai host draws flak from Pinoys for saying Alden is single
Maine Mendoza pours her heart out in open letter to fans
Maine Mendoza pours her heart out in open letter to fans

Sabi ni Alden sa PEP.ph, “They're still there, always around, lurking around our social media accounts and personal lives.

“But I've learned to accept the fact that they will exist no matter what we do.”

Sa tingin ni Alden, kahit anong mabuting gawin nila ay ang masama pa rin ang unang makikita ng haters.

Aniya, “In their eyes, we're always wrong no matter how good we do.

“The wrong ones are still what count when it comes to those bashers.

“Ako, pinagpapasa-Diyos ko na lang talaga sila, kasi wala naman talaga akong magagawa if that's the way they're brought up by their parents.

“I can't do anything about it but just to pray for them.

“You know, sana ma-enlighten sila to be busy with their own personal lives.”

Dahil madalas ay sa social media nagpu-post ng mensahe ang haters, iniiwasan daw ni Alden basahin ang mga ito.

Paliwanag niya, “I don't read kasi doon nag-i-start, e.

“Di ba, minsan may mga kapwa tayo artista na hindi napipigilan, sumasagot sila sa mga tweets?

“Ako, as much as possible, I really don't read para hindi na ako umabot sa ganun.

“At saka mas masaya ako nang ganun.”


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN