South Africa's Demi-Leigh Nel-Peters is the new Miss Universe!

IMAGE Instagram

Twenty-two-year-old Demi-Leigh Nel-Peters of South Africa is the new Miss Universe!


Kinoronahan si Miss South Africa Demi-Leigh Nel-Peters bilang Miss Universe 2017.

Naganap ang beauty pageant sa The AXIS, Planet Hollywood sa Las Vegas, Nevada, USA, ngayong Lunes ng umaga, Nobyembre 27 (Philippine time).

Si Miss Colombia Laura Gonzalez ang first runner-up at si Miss Jamaica Samantha James ang second runner-up.

Ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters ay nakaabot hanggang sa Top 10.

Ninety-two candidates ang naglalaban-laban para masungkit ang korona sa taong ito, kabilang na ang Cambodia, Laos, at Nepal na unang beses lumahok sa Miss Universe pageant.

Bago pa man tanghalin ang bagong Miss Universe, sinabi ng judges - na sina Wendy Fitzwilliam, Ross Mathews, Jay Manuel, Lele Pons, Megan Olivi, at Miss Universe 2015 Pia Wurztbach - na ang hinahanap nilang bagong reyna ay nagtataglay ng parehong "poise at talino."

Dagdag pa ni Ross, "I'm looking for a woman who's confident, who has a good heart, and is what's to do a good mission with the crown."

Samantala, naging pampitong hurado naman ang global netizens na nagkaroon ng mahalagang parte sa nasabing kumpetisyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN