LTO revokes driver's license of Maria Isabel Lopez over ASEAN lane controversy

IMAGE Courtesy: Maria Isabel Lopez on Facebook

Bukod sa pagpapawalang-bisa ng kanyang driver's license, pinatawan din ng Land Transportation Office (LTO) si Maria Isabel Lopez ng multang P8,000 dahil sa iba pa niyang paglabag sa batas trapiko.


Pinawalang-bisa na ang driver's license ng aktres na si Maria Isabel Lopez.

Ito ay dahil sa kanyang paglabag sa batas-trapiko noong ASEAN (Association of South East Asian Nations) Summit na ginanap dito sa Pilipinas.

Ngayong Lunes, November 27, sinabi ng Land Transportation Office (LTO) na effective immediately ang desisyon ng ahensiya na mapawalang-bisa ang lisensiya ng dating beauty queen.

Hindi rin siya papayagang mag-apply ng panibagong driver's license sa loob ng dalawang taon.

Pinatawan din ng multang P8,000 si Lopez dahil sa hindi niya pagsunod sa traffic signs, reckless driving, at paglabag sa anti-distracted driving act.

Noong November 11, nag-post si Lopez sa Facebook ng kanyang pagtanggal ng traffic cones at pagpasok sa ASEAN lane na nakareserba sa heads of states at mga delegado na dadalo sa ASEAN Summit.

Ipinagmayabang pa ng aktres sa social media ang kanyang ginawa.


Stories We Are Tracking

Maria Isabel claims ASEAN controversy got her more offers
Maria Isabel claims ASEAN controversy got her more offers
Maria Isabel criticized for driving along ASEAN lane
Maria Isabel criticized for driving along ASEAN lane
Maria Isabel Lopez apologizes for driving along ASEAN lane
Maria Isabel Lopez apologizes for driving along ASEAN lane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN