Maine Mendoza on negative comments following her open letter: "I deserve all the hate in the world."

IMAGE Nerisa Almo

Isang mensahe ang ipinaabot ni Maine Mendoza pagkatapos niyang mabasa ang mga negatibong komento kaugnay ng kanyang open letter.


Dalawang araw pagkatapos maglabas ng open letter para sa kanyang mga tagahanga, nag-post ng mensahe sa Twitter ang phenomenal star na si Maine Mendoza.

Tila ito ang reaksiyon ng 22-year-old TV host-actress sa mga negatibong komento tungkol sa ibinahagi niya sa kanyang open letter.

Pahayag ni Maine sa kanyang tweet kahapon, November 27: "You are all right. I deserve all the hate in the world because I am such a coward and a selfish little brat. I get it and I understand."

THE OPEN LETTER. Sa open letter ni Maine noong November 25 ay inamin niyang walang namamagitan sa kanila ng ka-love team na si Alden Richards.

Inamin din dito ng Eat Bulaga! na hindi na siya masaya sa tinatamasang popularidad.

Sabi ni Maine, "I am grateful to have all of you who have walked this path with me. But I need to be honest, I am at this point where I feel like I live in a box.

"I have not been able to do what I want and say what I feel because every time I try to express my thoughts and feelings, some of you tend to misapprehend and invalidate them in so many ways.

"Telling me I am not supposed to feel that way because I am 'rich and famous.' Telling me I have no right to be sad and hurt because I have everything a person could ask for.

"Judging, blaming and getting mad at me for expressing what I truly feel just because you do not agree and it is inconvenient for you. Dictating me what I should feel and should not feel. Ang hirap.

"Yung mga taong nagsasabi na wala akong dapat na maramdaman kundi kaligayahan kasi pinagpapala ako at dapat akong magpasalamat sakanila (at sakanila lang) dahil 'wala naman ako kung wala sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakiramdam din daw ni Maine ay parang nabubuhay siya sa loob ng isang kahon dahil hindi niya maihayag ang kanyang tunay na nararamdaman at pinapakialaman pati na ang sarili niyang buhay.

Dagdag pa niya, "I just could not take how some people feel so entitled in so many things, hindi lang sa career, ultimo personal na buhay.

"Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko, sino ba talaga ang gumawa sa akin? Ang Diyos ba o sila? 

"Pagmamay-ari ba nila buong pagkatao ko para diktahan ako sa halos lahat ng bagay? Bakit ganun?

"Ganun ba dapat kapag mahal mo yung tao? Susubukan mong kontrolin ng naaayon sa kagustuhan mo?

"Dahil tingin mo yun yung tama? Dahil tingin mo doon siya liligaya?"


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza pours her heart out in open letter to fans
Maine Mendoza pours her heart out in open letter to fans

TURNING THEIR BACKS. Alam din daw ni Maine na pagkatapos mabasa ang open letter niya, posibleng talikuran na siya ng karamihan ng kanyang mga tagahanga.

"By the end of this letter I am pretty sure majority of you are going to turn your backs on me and probably hate on me.

"Pero sabi nga nila, speak the truth even if your voice shakes."

At tila ito nga ang naramdaman niya nang mabasa ang mga negatibong komento mula sa tagasuporta ng tambalan nila ni Alden.

Ngunit marami pa rin sa mga tagahanga ni Maine ang nagpahayag ng suporta sa kanya.

Kabilang sa nagpahayag ng suporta sa kanya ang TV personality na si Christine Bersola-Babao o kilala rin bilang si "Ninang Dub."

Narito pa ang ilang Twitter users na nagpaabot ng mensahe ng suporta sa tinaguriang Dubsmash Queen:

Bago ang paglalabas ni Maine ng kanyang open letter, pumutok ang balita tungkol sa pagdi-date nila ni Jake Ejercito.

Ngunit nilinaw ng dalawa na magkaibigan lamang sila.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza answers netizen asking about Jake Ejercito
Maine Mendoza answers netizen asking about Jake Ejercito
Jake Ejercito denies dating Maine Mendoza
Jake Ejercito denies dating Maine Mendoza


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN