Megan Young, Laura Lehmann deny beauty pageant camp wars following Rachel Peters' loss in Miss U

IMAGE Instagram (@meganbata)

Aces & Queens' Megan Young (in photo) and Laura Lehmann deny claims by some netizens that there is an ongoing war between beauty queen training camps following Rachel Peters' loss in the recently-concluded Miss Universe 2017.


Sinagot ni Miss World 2013 Megan Young ang akusasyon ng ilang netizens na mayroong hidwaan sa pagitan ng beauty pageant camps sa bansa.

Ito ay kaugnay ng pagkadismaya ng ilang avid pageant fans sa hindi pag-abante ni Rachel Peters sa Miss Universe 2017, na ginanap sa Las Vegas, Nevada, USA, nitong Lunes, November 27 (Philippine time).

Nakapasok si Rachel sa Top 16 at Top 10, subalit hindi na umabante sa Top 6 pagkatapos ng evening gown competition.

Ibinaling pa ng ibang netizens ang sisi kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa sinapit ni Rachel.

Isa si Pia sa mga hurado ng Miss Universe ngayong taon.

Sinisisi rin ng ibang netizens ang pageant camp ni Pia, ang Aces & Queens, dahil sa diumano'y hindi nila pagsuporta kay Rachel, na mula sa Kagandahang Flores.

Ang Aces & Queens ay pinamumunuan ni Jonas Gaffud, habang ang Kagandahang Flores naman ay pinamumunuan ni Rodgil Flores.

Ang Aces & Queens ang nag-train sa beauty queens na nagdala ng sunud-sunod na karangalan sa bansa nang sumabak sila sa Miss Universe.

Kabilang dito sina Venus Raj (4th runner-up, 2010), Shamcey Supsup (3rd runner-up, 2011), Janine Tugonon (2012, 1st runner-up), Ariella Arida (3rd runner-up, 2013), at Pia Wurtzbach (Miss Universe 2015).

Nag-train din sa Aces & Queens si Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Mula naman sa Kagandahang Flores sina Precious Lara Quigaman (Miss International 2005), Bea Rose Santiago (Miss International 2013), at Karen Ibasco (Miss Earth 2017).

MEGAN & LAURA REACT. Kaugnay ng akusasyong may camp wars sa pagitan ng Aces & Queens at Kagandahang Flores, sinabi ni Megan Young na walang katotohanan ang ganitong haka-haka.

Si Megan ay mula rin sa Aces & Queens.

Tweet ng actress-beauty queen: “Now, let's stop these 'camp wars.' There is no such thing amongst us. Yes, we train with different groups but we respect one another and we give our support however we can. It is always #ForThePhilippines.”


Ito rin ang pakiusap ni Miss World Philippines 2017 Laura Lehmann, na mula rin sa Aces & Queens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tweet niya: “Filipinas support Filipinas. Regardless of camp. Regardless of organization. We are always stronger when we are united.”


Sa kabilang banda, may iba namang nagtanggol kay Pia at sinabing huwag basta-basta maghanap ng masisisi sa sinapit ni Rachel.

Narito ang ilan sa magkakahalong reaksiyon ng netizens:





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN