Franco Hernandez's GF to reveal "real story" behind death of Hashtags member

IMAGE Instagram @janicanam

Janica Nam Floresca alludes to still-ongoing investigation on the death of her boyfriend, Hashtags member Franco Hernandez: "Don't worry love, the real story about what happened to you will come out soon...like you've always wanted."


Tila may naiwan pa ring kuwestiyon sa pagkamatay ng Hashtags member na si Franco Hernandez mahigit dalawang linggo mula nang aksidenteng malunod ang binata sa Davao Occidental.

Kaugnay ito ng mga makahulugang pahayag ng girlfriend ni Franco na si Janica Nam Floresca sa magkakasunod nitong Facebook posts kamakailan.

Ayon kay Janica, may mga detalye sa pagkamatay ng nobyo ang hindi pa naisasapubliko at iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad hanggang ngayon.

November 23 nang unang magpahiwatig si Janica Nam na, "The truth will always prevail."

Kinabukasan, November 24, sinabi ni Janica na umaasa siyang lalabas din ang "real story" kaugnay ng pagkamatay ni Franco.

"Don't worry love, the real story about what happened to you will come out soon...like you've always wanted."

Bunsod nito, marami sa mga tagasuporta ni Franco at iba pang netizens ang nagpahayag ng iba't ibang espekulasyon tungkol sa pagkalunod ng 26-year-old Hashtags member.

Ngunit tila hindi pa handa si Janica na ilantad ang anumang impormasyong hawak niya hangga't hindi pa tapos ang imbestigasyon ng pulisya.

Base ito sa comment ng netizen na ni-repost ni Janica sa kanyang Facebook noong November 26.

Kahapon, November 27, sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng opisyal na pahayag si Janica sa pamamagitan ng Facebook messenger.

Sa ngayon ay hindi pa sumasagot ang dalaga.

Sa ulat na lumabas sa telebisyon at nailathala sa mga pahayagan at online news sites, nakasaad na dinaluyong ng malaking alon ang motorized banca na sinasakyan nina Franco, Janica, at isa pang Hashtags member na si Tom Doromal nang sila ay pabalik ng North Lamidan, Don Marcelino, Davao Occidental, noong hapon ng November 11. 

Diumano'y aksidenteng nahulog sa banca sina Franco at Janica Nam, at wala nang malay ang binata nang masagip sila ng operator ng banca. 

Nang madala si Franco sa isang clinic sa Malita town ay dead on arrival na umano ang binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Hashtags member Franco dies in drowning incident
Hashtags member Franco dies in drowning incident
Hashtags members mourn the passing of Franco Hernandez
Hashtags members mourn the passing of Franco Hernandez
Franco's girlfriend posts
Franco's girlfriend posts "last video" of Hashtags member
Hashtag Franco's girlfriend says she tried to save him
Hashtag Franco's girlfriend says she tried to save him


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN