Jeric Gonzales on uploaders of his alleged nude photos: "Kung dun sila masaya, wala akong pakialam."

IMAGE Noel Orsal

Jeric Gonzales denies he is the one in the old nude photos that surfaced recently online. He says he would rather focus on his work than pay attention to these malicious acts. "Magpe-pay off din naman yun soon sa kanila, kumbaga babalik din sa kanila, na gumagawa sila ng hindi tama."


Sa gay sites ay may mga naglalabas na naman ng mga hubad na litrato diumano ng Kapuso hunk na si Jeric Gonzales.

Halatang luma na ang mga nabanggit na mahahalay na larawan.

Natatawang reaksiyon dito ni Jeric, “Talaga? Naku, hindi ko alam, wala akong alam dun, e!

“Baka ginagawa lang nila yun.”

Hindi ba dati ay tila umamin na siya tungkol dito?

“Hindi, wala, wala akong inaamin,” tanggi ng 25-year-old Kapuso artist.

Nadawit ang pangalan ni Jeric noong 2016 nang may lumabas na video scandal ng isang lalaking sinasabing kamukha niya.


Stories We Are Tracking

Kiko Estrada, Jeric Gonzales speak up about video scandals
Kiko Estrada, Jeric Gonzales speak up about video scandals

Hindi raw siya ang nasa mga larawang iyon.

Diin niya, “Hindi, hindi. Wala akong alam dun.

"And kung anuman yun, siguro hindi ko na iintindihin yun, mas focused ako dito sa ginagawa ko [bilang artista].”

May mensahe ba siya sa mga patuloy na nagkakalat ng mga naturang litrato?

“Mensahe ko? Kung dun sila masaya, e, di gawin nila, wala akong pakialam!

“Magpe-pay off din naman yun soon sa kanila, kumbaga babalik din sa kanila, na gumagawa sila nang hindi tama.

“Iyon lang.”

Never daw niya ginawa na kunan ng litrato o video ang sarili na nakahubad at may ginagawang mahalay.

“Never, never.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeric sa grand launch ng GMA-7 primetime seriss na Kambal, Karibal, noong November 21.

SUPPORTING ROLES. Si Jeric ang male winner ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break, ang artista search ng GMA-7 noong 2012.

Walang kaso kay Jeric kahit support lamang siya nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa Kambal, Karibal, kahit nagbibida na siya at si Thea Tolentino sa mga nakaraang teleserye ng GMA-7.

Sabi niya, “Oo naman, oo naman! Walang problema.

"Kasi ano, e, dumadaan naman talaga sa artista na ano, ke support, ke bida or kahit anong role 'yan, basta binigyan ka ng role kailangan talaga gawin mo and ibigay mo yung best mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inusisa rin namin ang love life ng binata.

Parehong walang karelasyon sina Jeric at Thea, hindi kaya sa huli ay sila rin pala ang magiging magkasintahan?

“Well, hindi natin masasabi, siyempre, mahirap magsalita ng tapos, e,” sabi ni Jeric.

Sa kabila ng madalas na pagkaka-link nila ni Thea mula nang manalo sila sa Protégé ay hindi sila nagkaroon ng relasyon.

Kaka-break lamang ni Thea kay Mikoy Morales, at si Jeric naman ay walang napapabalitang naging girlfriend sa showbiz.

Nagkikita ba sila ni Thea lately?

“Nagkikita, nagti-text, ganun.”

Lumalabas din naman daw sila pero paminsan-minsan lang.

“Kasi busy, e. So, ganun lang, kumustahan, and in touch naman kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN