Paolo Ballesteros supports Maine Mendoza's decision to write open letter to fans

IMAGE Jerry Olea / Paolo Ballesteros Instagram

Paolo Ballesteros supports friend and co-host Maine Mendoza, who recently wrote an open letter to her fans about feeling like she's being boxed in by pressure and expectations. "Siyempre, alam naman namin kung ano ang pinagdadaanan ni Maine bilang kasama namin siya araw-araw. Lahat naman tayo yun ang gusto sa buhay, kung saan tayo magiging masaya."


Suportado ni Paolo Ballesteros ang desisyon ni Maine Mendoza na maglabas ng isang open letter para sa AlDub fans.

Magkasama ang dalawa sa Kapuso noontime show na Eat Bulaga.

Sa nasabing open letter ay inihayag ni Maine ang kanyang tunay na saloobin sa tinatamasang popularidad.

Lumalabas na hindi na ikinatutuwa ng phenomenal star ang pakikialam ng ilang taong malapit sa kanya at maging ng ilang mga tagahanga sa kanyang personal na buhay.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza pours her heart out in open letter to fans
Maine Mendoza pours her heart out in open letter to fans

Pahayag ni Paolo tungkol sa open letter ni Maine, “Siyempre, alam naman namin kung ano ang pinagdadaanan ni Maine, bilang kasama namin siya araw-araw.  

"Lahat naman tayo, yun ang gusto sa buhay, kung saan tayo magiging masaya.

“Kung yun ang hinihiling niya sa mga fans niya... kasi minsan, tayo, kapag nabigyan ng power ng internet, parang ang dali-dali sa atin na magsabi ng salita.

"Pero hindi mo alam yung effect nun sa sinasabihan."

Naniniwala si Paolo na “liberating” ang ginawang pagsusulat ni Maine at pagtatapat ng totoong nararamdaman na niya.

“Yes, of course,” sambit niya.

“She’s a writer naman at diyan din naman siya sa social media nakilala.

"Okey yung ginawa niya.”

Kung siya yung nasa posisyon ni Maine, gagawin din ba niya iyon?

“Oo naman,” may diing sagot  ni Paolo.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa premiere ng pelikula niyang Barbi D’ Wonder Beki, sa SM Megamall, kagabi, November 27.

EXCITED FOR MOVIE'S OPENING. Bukas, November 29, ang unang araw ng showing ng Barbi D’Wonder Beki at nagkataon ding mismong kaarawan niya.

Kaya parang ang naturang pelikula na raw ang birthday treat niya sa mga manonood.

“Excited,” ang sagot ni Paolo na naka-damit Disco Barbi noong gabi ng premiere night.

May kaba ba siyang nararamdamang malapit na ang showing?

“Wala, more on excitement,” tugon niya.

Consistent si Paolo sa pagsasabing hindi siya kinakabahan kahit pa may malaking local movie rin na ipalalabas bukas, ang Unexpectedly Yours nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ng actor-TV host, “Walang kaba kasi magkaiba naman kasi siyang pelikula.

"Parehas na dapat panoorin kasi matagal na sina Sharon at Robin na hindi gumagawa ng film.

“Same with Barbi rin naman. Si Joey de Leon, matagal nang hindi gumagawa ng pelikula.

"Ngayon, meron ulit. So, double treat sa mga manonood.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN