Jerome Ponce confirms he and ex-girlfriend Elisse Joson don't interact on the set of The Good Son

IMAGE Noel Orsal

Jerome Ponce says it's better for everyone that he and ex-girlfriend Elisse Joson don't interact on the set of the soap The Good Son. "Yeah, trabaho [lang]. Yun naman ang napag-usapan, na trabaho ang pinasok namin saka para wala ng isyu, wag na lang gumawa."


Kinumpirma ni Jerome Ponce ang sinabi ng ex-girlfriend niyang si Elise Joson na hindi sila nag-uusap o nagpapansinan sa set ng pinagsasamahan nilang teleserye sa ABS-CBN, ang The Good Son.

Naging magkasintahan ang dalawa noong commercial model pa lang si Elisse samantalang nagsisimula naman sa showbiz si Jerome.

Hindi rin masasabing nagkaroon ng closure ang breakup ng dalawa nang pumasok si Jerome sa Bahay ni Kuya noong 2016, kung saan isa naman sa housemates noon si Elisse sa Pinoy Big Brother: Lucky 7.

Ayon kay Jerome, "Yeah, trabaho [lang].

"Yun naman ang napag-usapan, na trabaho ang pinasok namin, saka para wala nang isyu, huwag na lang gumawa. Huwag na nating umpisahan.

"Wala naman siya sigurong reason para lumapit sa akin, wala naman akong reason para lumapit sa kanya."

Dagdag niya, “First of all, kung magkakaroon ka ng intention na lumapit sa isa’t isa, issue na agad, e.

"Yung ibang tao gagawa agad ng ano... pero para na rin sa ikabubuti na lahat.

"Kung ano ang maiisip niya para sa akin, at kung ano ang maiisip ko sa kanya, probably maiisip na niya yun kay McCoy, not me.

"May ibang tao na nandun at hindi ako yun."

Si McCoy de Leon ang ka-love team at balitang manliligaw ni Elisse. Nasa cast din ng The Good Son ang binata.

Ayon pa kay Jerome, mga professional naman sila ni Elisse at alam nilang ihiwalay ang personal na buhay sa kanilang trabaho.

Dagdag ding paliwanag ng aktor, bilang mga artista na may inaalagaang pangalan, iwas na rin silang gumawa ng mga bagay na maaaring ikasira nila.

“Well, because that’s work, wala naman na dapat isipin pag work, nandiyan yung work.

"Gagawa ka pa ba ng bagay na ikagugulo ng work mo?"

Bagamat hindi pa rin naaayos ang personal na relasyon nila ng ex-girlfriend, bukas pa rin daw si Jerome na makatrabaho si Elisse sa ibang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m really open basta work ito. It depends sa script, sa lahat.”

HAPPY WITH GIRLFRIEND. Kung si Elisse ay nali-link kay McCoy, masaya at kuntento naman si Jerome sa relasyon nila ng volleyball player na si Mika Reyes.

Sabi niya, “I’m happy, nakahanap ako ng katapat ko.

"Siya na yung makakatapat mo, hindi ka titingin sa gilid, sa kaliwa.

"In a way na dun mo nakikita ang mga bagay na comfortable ka, relaxed ka, inspired."

Dagdag pa ni Jerome, “Yeah, champion sila ngayon, player of the game siya, naging captain ball siya ng national team.

"I’m really happy. Sa sobrang happy ko, you know, lahat talaga ng libreng oras ko, ibinibigay ko sa kanya. Lumalabas kami. 

"Pagbalik niya galing sa ibang bansa, sobrang tagal niyang nawala, we go out, we have lots of time catching up."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN