John Lloyd Cruz meets Ellen Adarna's parents

IMAGE Instagram @maria.elena.adarna

Amid the news that Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is seen bonding with her Cebu-based parents.


Pormal nang naipakilala ni Ellen Adarna, 29, si John Lloyd Cruz, 34, sa mga magulang ng aktres na naninirahan sa Cebu.

Base ito sa kumalat na Instagram video kung saan makikitang tila masayang nakikipagkuwentuhan ang showbiz couple sa mga magulang ni Ellen, sina Allan at Meriam Adarna, habang nasa harap ng hapag-kainan.

Abala si Ellen na nagrorolyo ng lumpia wrapper habang kausap naman ni John Lloyd ang mga magulang niya.

Hindi malinaw kung ito ang unang beses na nagkita si John Lloyd at mga magulang ni Ellen.

Noong Setyembre ay dalawang beses nang nagbakasyon ang dalawa sa Cebu na hometown ng dalaga.

Ngunit ito ang unang pagkakataong nasilayan ng publiko si John Lloyd na kahalubilo ang mga magulang ni Ellen.

Bukod dito ay mayroon ding kumalat na Instagram video kung saan nakahiga si Ellen sa kiddie rubber mat at nasa tabi niyang nakaupo si John Lloyd habang nakikipaglaro sa isang toddler, na tila hindi alintana ang mga kinasangkutang kontrobersiya nitong nakalipas na dalawang buwan.

Noon lamang November 19, inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kumpirmadong buntis si Ellen at si John Lloyd ang ama ng magiging anak nila.

Dito ay nakasaad na mismong si Ellen ang naringgang nagkumpirma na buntis siya sa dalawang magkahiwalay na pagkakataon.

Ang kundisyon din ng aktres ang sinasabing dahilan kung bakit pinutol nina John Lloyd at Ellen ang kanilang bakasyon sa Europa na umabot ng humigit-kumulang isang buwan.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag sina John Lloyd at Ellen sa naibalitang pagbubuntis ng aktres.

Sa hiwalay na panayam ng ABS-CBN News noong November 20, sinabi ng talent manager ni Ellen, si Pia Campos, na ang aktres lang ang tanging makakapagsabi kung totoo o hindi ang balitang buntis ito.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father
Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father
Ellen Adarna's camp breaks silence on pregnancy news
Ellen Adarna's camp breaks silence on pregnancy news
John Lloyd Cruz-Ellen Adarna love story: A timeline
John Lloyd Cruz-Ellen Adarna love story: A timeline


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN