Bianca Umali says Miguel Tanfelix is the jealous type

IMAGE Noel Orsal

Bianca Umali admits deep friendship with Miguel Tanfelix, but says she's not ready to get into a serious relationship: "Alam ko po ang priorities ko, and it's not yet time."


Hindi na bago ang mga paglalambingan ng Kapuso love team na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa publiko.

Kaya marami sa mga tagahanga nila ang umaasang maging sila na talaga kapag tumuntong na sa edad na 18 si Bianca.

Sa March 2018 ay magdi-debut na ang Kapuso teen actress.

Pahayag ni Bianca, "Well, ako, alam ko po ang priorities ko, and it's not yet time.

"Seven or eight years na kaming magkasama, pero working on teleseryes, five or six.

"I'm turning eighteen next year, siya naman, he's nineteen ngayon.

“Depende po sa kung ano ang mararamdaman ko kapag eighteen na ako."

Kung sakali bang matuloy sa ligawan ang working relationship nila, may pag-asa ba naman si Miguel sa kanya?

Diretsong sagot ng Kapuso young actress, "Mukha naman po.

"May mga qualities siya na hindi ko kayang isa-isahin.

"Ano po siya, e... corny, annoying, gentleman, at saka positive."

Ganunpaman, kahit hindi pa sila, may pagkakataon bang may pinagseselosan si Miguel?

Sagot ni Bianca, "Siguro po.”

Paano ito magselos?

“Hindi po siya namamansin, kailangang pag-usapan lang naman.

"Ganun din naman ako sa kanya, alam niya kapag may problema.

"Kahit naman hindi ko siya sungitan, alam niya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa grand media launch ng Kambal,  Karibal, na ginanap noong November 27.

SELF-SUPPORTING. Handa naman daw si Bianca na makipagtrabaho sa ibang Kapuso actors.

"I'm open naman po to working with anyone.

"Yung makipag-love team sa iba, I'm open.

"But, if it’s my decision, I want Miguel."

Pero ayaw pa nga raw maging seryoso sa pagkakaroon ng boyfriend dahil self-supporting siya.

Namayapa na ang mga magulang ni Bianca, at ang lola na lang niya ang nag-aasikaso sa kanya.

Lahad niya, "Mahirap kasi, I didn't have a choice but to support myself.

"And to do things that people of my age are not supposed to do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like, financing, sending myself to school, ako po ang nag-aasikaso kung ano ang mga kailangan ko.

"Lahat po ng mai-imagine niyo na gawain ng isang katulad ko."

Dugtong pa niya, "Ayoko pa rin po talaga pa.

"Wala namang reason kung bakit.”

Ayon pa kay Bianca, malalim na ang pinagsamahan nila ni Miguel.

"Imagine niyo naman, almost eight years na kaming nagtatrabaho together.

“Lahat po nang gawin namin ay magkasama kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN