Kinondena ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang pagsasapubliko ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa katauhan ng 11 lalaking naaresto sa isinagawang drug bust operation ng ahensiya sa isang upscale hotel sa Bonifacio Global City, Taguig, nitong weekend.
Karamihan ng mga inaresto ay mga propesyunal.
Hinihinalang nag-organisa ang mga suspek ng orgy at nahulihan din diumano ng mga ipinagbabawal na gamot.
Pinangalanan ng PDEA ang mga inaresto at lumabas din ang mga larawan nila sa social media.
Tinukoy pa ng PDEA na isa sa mga suspek ay HIV positive.
Sa pamamagitan ng Instagram post ngayong Miyerkules, November 29, kinontra ni Pia ang ginawa ng PDEA, pati na ang media, na pagbunyag sa pagkakakilanlan ng mga suspek.
Pahayag ni Pia sa kanyang IG post, “Was this really necessary?
"I understand that what the men were supposedly doing was illegal and they should face legal consequences.
"But there was absolutely no need to expose and publicly shame them."
Ipinaalala rin ng former Miss Universe na ilegal ang pagsasapubliko na HIV positive ang isang tao.
Sabi ng beauty queen na advocate ng HIV awareness, “It’s illegal to publicly announce one’s HIV status (RA8504).
“What has been done has not only traumatized the men that were involved; it has also worsened the HIV situation in the Philippines.”
Ayon pa kay Pia, dahil sa ginawa ng PDEA at ilang media, nasira ang itinutulak nilang pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko.
“Some people are now associating drugs and immorality with being gay. It’s ridiculous.
"The whole point of this drug raid was to arrest the men for their supposed crime, which was selling/distributing and using illegal narcotics.
“Being gay is not a crime! Living with HIV is not a punishment!
"Come on, Philippines. We are already taking small steps forward to improve acceptance, tolerance and understanding. We cannot take big steps back."
Panawagan pa ni Pia, “To PDEA and the news outlets, take steps to mend the situation.
“Sa aking mga kababayan, wag po tayo maging judgmental.
"Hindi immoral ang maging bakla, hindi dapat ituring na kaparusahan ang HIV.
"At lalong hindi ito biro na dapat pag-pyestahan at pagtawanan.
“To my beloved LGBT community, stay strong. We’ll win this. “
