Erich Gonzales confirms Julia Barretto-Joshua Garcia relationship: "Oo, sila na."

IMAGE Noel Orsal

Julia Barretto when asked, 'Bakit hindi mo pa sinasagot si Joshua?': "First of all, sino bang may sabi na hindi pa? Bakit may pag-assume kayo agad?"


Matapos ang pambubuking ni Sharon Cuneta kina Joshua Garcia at Julia Barretto, ang malapit na kaibigan ng young actress na si Erich Gonzales naman ang nagkumpirma ng relasyon ng Kapamilya love team.


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta reveals status of JoshLia's relationship
Sharon Cuneta reveals status of JoshLia's relationship

Sa guest appearance nina Julia at Erich sa Tonight With Boy Abunda noong Martes, November 28, may segment kung saan kailangan nilang tanungin ang isa't isa.

Isa sa mga tanong ni Erich para kay Julia, na binasa ng host na si Boy Abunda: “Bakit hindi mo pa sinasagot si Joshua Garcia?”

Nakangiting sabi ni Julia, “Buti na lang honest ako, Tito Boy.

"First of all, sino bang may sabi na hindi pa? Bakit may pag-assume kayo agad?"

Dahil dito, hirit ni Erich sa kaibigan, “So, diretsuhin na. Iba pa rin yung galing sa 'yo?”

Sandaling tinitigan ni Julia si Erich habang nakangiti at sinabing, “Kapatid ko ba 'to?”

Muling hirit ni Erich, “Di ba, JoshLia, yun ang gusto niyong marinig?”

Tila ayaw magbigay ng anumang karagdagang detalye ni Julia kaya ang nasabi na lang niya kay Erich, “Ano ka ba!”

Natatawang sagot ni Erich, “Sige, okay na.”

Pagkatapos nito ay nakiusap si Julia na kay Joshua na lamang itanong ang tanong para sa kanya.

Aniya, “Puwede bang siya na lang sumagot?”

Pero sa puntong ito, hindi na napigilan ni Erich na ibisto ang estado ng relasyon nina Julia at Joshua.

Agad niyang sinabi kay Boy, “Pero alam ko na ang sagot ni Joshua... Oo, sila na, ano ba 'yan!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN