Maine Mendoza gets support from fellow celebrities after speaking up about "entitled" fans

IMAGE Noel Orsal (Kylie) / Instagram

Celebrities like Kylie Padilla, Edu Manzano, and Jake Zyrus express their support for Maine Mendoza, who opened up about her true feelings despite success and popularity.


Umani ng suporta mula sa kapwa niya celebrities ang ginawang open letter ng Kapuso star na si Maine Mendoza.

Sa kanyang open letter, inamin ni Maine na hindi siya masaya sa kabila ng tinatamasang popularidad.

Ito ay bunsod ng ilang "entitled" fans ng tambalan nila ni Alden Richards, ang AlDub, na nagdidikta kung ano ang dapat niyang gawin at maramdaman.

Pakiwari raw ni Maine ay nakakahon siya sa pagdidikta ng fans nila ni Alden.

Nabuo ang phenomenal AlDub love team sa "Kalyeserye" ng noontime show na Eat Bulaga! noong 2015.

Sa kanyang liham, sinabi ni Maine na inaasahan niyang posibleng maraming fans ang tumalikod sa kanya matapos mabasa ang kanyang saloobin.

Bagamat may mga ilang fans na binatikos siya nang husto, nakakuha naman siya ng suporta hindi lamang sa kanyang mga tagahanga kundi maging kapwa celebrities.

Kabilang sa nagpahayag ng suporta sa 22-year-old TV host-actress ay sina Edu Manzano, Kylie Padilla, at Jake Zyrus.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza pours her heart out in open letter to fans
Maine Mendoza pours her heart out in open letter to fans
Maine Mendoza:
Maine Mendoza: "I deserve all the hate in the world."

KYLIE PADILLA. Kinontra ni Kylie Padilla ang sinabi ni Maine sa kanyang open letter na wala siyang talent.

Ito ang eksaktong isinulat ng tinaguriang Dubsmash Queen: “Maaaring wala nga akong talento pero masaya ako na nakakapagpasaya ako ng ilang mga tao. That’s more then enough for me."

Pahayag ni Kylie sa kanyang tweet nitong Miyerkules, November 29, “i strongly disagree about the opinion of you that you do not have talent.

"you can make people laugh and make them genuinely happy for the moment that they see you totally yourself. and that alone is a talent.

"happiness has no price. you give it just by making a silly face."

Hindi man pinangalanan ni Kylie si Maine sa kanyang tweet, sigurado ang fans na ang mensahe nito ay para sa Eat Bulaga! mainstay.

EDU MANZANO. Pinuri naman ng beterang actor-TV host na si Edu Manzano ang ginawa ni Maine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tweet ni Edu noong November 28, “Never met Maine but having been in the business for over 30 years I have only the highest respect for this lady.”

JAKE ZYRUS. Sunud-sunod naman ang mensahe ni Jake Zyrus para kay Maine via Twitter.

Pinayuhan ng singer, na unang nakilala bilang Charice Pempengco, si Maine dahil pinagdaanan na raw niya ang pinagdadaanan ngayon nito.

Sabi ni Jake, “Masakit pero eto ang realidad.

"Take a deep breath. Takas ka muna sa mundong magulo at mag-relax ka with people who you love and trust. Take a break.

"Maraming nagmamahal sayo. Focus on that."

Dagdag pa niya, “Dumadating sa point na ayaw na natin. I still get many hurtful words until today.

"At minsan nagbbreakdown ako pero sa huli naiisip kong tanggapin na merong taong hindi ka maiintindihan.

"At ang kailangang intindihin ng mga tao ay isa kang tao. Hindi manika, hindi robot.

"Kayang kaya mo yan. You're the girl [who] inspires so many people.

"Don't lose your goals. Whatever it is, DUN KA SA SASAYA KA."

Nauna nang naghayag ng suporta kay Maine ang co-host niya sa Eat Bulaga! na si Paolo Ballesteros sa isang interview.


Stories We Are Tracking

Paolo Ballesteros supports Maine Mendoza on open letter
Paolo Ballesteros supports Maine Mendoza on open letter


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN