Ellen Adarna spotted with John Lloyd Cruz anew; netizens speculate about her "baby bump"

IMAGE Courtesy: @maria.elena.adarna / @ godblessjohnlloyd on Instagaram

Halata na raw ang tiyan ng aktres na si Ellen Adarna. Ito ay ayon sa obserbasyon ng mga nakakita sa sexy star at kay John Lloyd Cruz sa Mactan-Cebu International Airport kahapon, November 30. 


Spotted muli sa Cebu ang magkasintahang sina John Lloyd Cruz  at Ellen Adarna.

Ayon sa ibinahaging larawan at video ng isang netizen sa Twitter, namataan sina John Lloyd at Ellen sa Mactan-Cebu International Airport, kahapon, November 30.

Ayon pa sa netizen, "halata" na ang tiyan ni Ellen.

 

Sa Instagram naman, may nag-upload din ng halos kaparehong larawan ng dalawa.

 

Sa isa pang post, sinabi ng netizen sa caption na “Baby bump is Real.”

Baby bump is Real #ellenadarna @ekomsi @pepalerts 

A post shared by john lloyd cruz (@godblessjohnlloyd) on

 

Nitong nakaraang Martes, November 28, kumalat ang mga larawan at video sa diumano’y pormal na pagpapakilala ni Ellen, 29, kay John Lloyd, 34, sa kanyang mga magulang na naninirahan sa Cebu.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz meets Ellen Adarna's parents
John Lloyd Cruz meets Ellen Adarna's parents

November 19, unang ibinalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagdadalantao ni Ellen, 29.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father
Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father

Hanggang ngayon, wala pang pahayag mula sa dalawa tungkol sa totoong kalagayan ni Ellen.

Ngunit ayon sa naglabasang balita, posibleng sa katapusan pa ng taon pormal na aamin si Ellen sa kanyang pagbubuntis, dahil ito rin ang araw ng pagtatapos ng kanyang mga endorsement contracts.

Nakasaad daw kasi sa ilang kontrata ni Ellen na bawal siyang magbuntis sa loob ng panahong iniendorso niya ang kanilang mga produkto.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna's camp breaks silence on pregnancy news
Ellen Adarna's camp breaks silence on pregnancy news


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN