Coco Martin picks beauty queens Mariel de Leon, Kylie Verzosa as leading ladies

IMAGE Noel Orsal

"Sobrang gandang-ganda ako sa kanya," says Coco Martin about BB. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon, who is one of her two leading ladies in Ang Panday.


Matindi raw ang naging paghanga ni Coco Martin kay Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon nang minsan niyang makita ito sa telebisyon.

Ito raw ang naging dahilan kaya kinuha niya ang dalagang anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong para maging isa sa dalawang leading ladies niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 entry niyang Ang Panday.

Ayon kay Coco, “Kung mapapansin niyo naman po, every project ko, iba-iba yung mga leading lady ko.

“Bihirang-bihira yung makakatambal ko ulit.

“Ang daming nagtatanong sa akin, noong binubuo ko na ang Ang Panday, kung sino ang magiging leading lady ko. Definitely, hindi ko ho alam.

“Hindi ko nga alam kung bakit di ako makaisip kung sino. Wala akong maisip.

“Hanggang isang araw, nagte-taping kami ng Ang Probinsyano, nandun kami sa tent, mayroon akong maliit na TV doon, biglang pinalabas si Mariel sa Magandang Buhay.

“Sobrang gandang-ganda ako sa kanya.

“So, paglabas ko ng tent, sabi ko sa EP [executive producer ko], si Malou Crisologo, sabi ko, 'Tsang, mayroon na akong leading lady.'

"'Sino?'

"'Si Mariel de Leon.'"

“Doon po nag-start kung bakit si Mariel ang napili ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling reporters at editors si Coco sa solo presscon niya kahapon, November 30.

Paano nakumbinsi ni Coco ang mga magulang ni Mariel na maging bahagi ng kanyang unang directorial project?

Sagot ng Kapamilya actor, “Ang lagi kong sinasabi, trust lang ang basehan, kasi wala pa naman akong napu-prove as a director.

“Honestly, nahihiya ako noong kausap namin si Tita Sandy.

“Kasi parang, sabi ko nga, 'Ipagkakatiwala po ba ninyo sa akin ang anak niyo?'”

Sa tingin ni Coco, nakatulong ang pakikipagtrabaho niya kay Christopher sa mga nakaraan niyang proyekto.

Aniya, “Ang ikinaganda nun, nakatrabaho ko na ng ilang beses si Tito Boyet.

“Kaya nakita na niya the way kung paano ako sa set, paano ako magtrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos naging part din siya ng FPJ's Ang Probinsyano.

“Nakita naman niya kung paano ko iniingatan at inaalagaan ang bawat tao, bawat artista.

“Kaya sabi ko nga, wala akong ibang maipapangako kundi trust na lang.”

CHOOSING KYLIE VERZOSA. Katulad kay Mariel, humanga rin si Coco sa kagandahan ni Miss International 2016 Kylie Verzosa kaya naisip din niya rin itong kunin bilang leading lady sa Ang Panday.

Pag-alala ni Coco, “Si Kylie, ano kasi, noong nanalo siya sa Miss International, isa siya sa mga, 'Uy, ang ganda naman nito.'

“Pinangarap kong makatrabaho and then, yun, sumakto naman sa role, sa engkantada role kaya nabuo po ang casting.”

At tulad kay Mariel, hiniling lang din ni Coco ang tiwala ni Kylie sa pagkakasama nito sa pelikula.

“Kay Kylie naman, ganun din.

“Actually, hindi nga kami magkakakilala. Pero after namin magkausap, nalaman ko na interesado siyang umarte...

“Ang importante kasi, dapat respetuhin ka ng kapwa artista mo, e, para ibigay nila ang tiwala nila sa 'yo.”

Paano napili ni Coco Martin ang kanyang leading ladies sa Ang Panday? #AngPanday #MMFF2017

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

FIRST ACTING PROJECT. Kung first directorial project ni Coco ang Ang Panday, first acting project naman ito nina Mariel at Kylie.

Kumusta ang pag-arte ng dalawang beauty queens?

Sagot ng actor-director-producer ng pelikula, “Kay Mariel, definitely, nagulat ako kasi hindi ko akalain na magaling pala talaga siyang umarte.

“Siguro, sabi ko nga, because of Tito Boyet and Tita Sandy, kumbaga, ano pa ba ang ie-expect mo?

“Pero may eksena dun na hindi ko ini-expect na maide-deliver niya.

“Hindi ko na kailangang gaano siyang tutukan.

“Kay Kylie naman, napakanatural.

"Then, noong nag-uusap kami, talagang gusto niyang umarte.

“Kaya noong gina-guide ko siya kung paano ang gagawin niya, hindi ako nahirapan.”

Sa kabuuan, marami raw natutunan si Coco sa kanyang unang proyekto bilang direktor.

“Mahirap po pala!” natatawang sabi niya.

“Madali siyang isipin pero mahirap po pala. Ang dami pong proseso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Honestly, nahihirapan ako sa pagiging director.

“Pero kung gusto mo ang ginagawa mo, hindi mo siya tini-treat na mahirap, kahit napapagod ka o nahihirapan ka.

“Ini-enjoy mo ang bawat moment ng ginagawa mo.”


Stories We Are Tracking

Coco downplays competition with Vice, Vic at MMFF 2017
Coco downplays competition with Vice, Vic at MMFF 2017


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN