Sunshine Cruz clarifies speculations about unfinished movie Dukot Queen

IMAGE Noel Orsal

Sa wakas ay nagsalita na si Sunshine Cruz tungkol sa mga espekulasyon tungkol sa hindi niya natapos na sexy film, ang Dukot Queen, noong 2002. Ito ay matapos niyang makasagutan sa social media ang isang kamag-anak diumano ng kanyang estranged husband na si Cesar Montano.


Inalmahan ni Sunshine Cruz ang akusayon ng isang kamag-anak diumano ng estranged husband niyang si Cesar Montano na dapat daw ay magpasalamat pa ang aktres sa aktor dahil sa pagligtas nito sa kanya sa kahihiyan.

Ito ay kaugnay ng diumano'y "malaswang pelikula" ni Sunshine noong 2002.

Sa Facebook post ng aktres kahapon, November 30, sinabi nitong dapat lubayan na siya ng isang nagngangalang Ricardo Lorea dahil kadugo pa rin nito ang kanyang mga anak na nadadawit sa isyu.

Pahayag ni Sunshine, “Sometimes we need to set the record straight. Amoy na amoy ko kung sino si Ricardo Lorea.

"The least you can do is find it in your heart to forgive yourself for what you've been doing to me and my children. Leave us in peace.

"Dugo nyo pa din ang mga anak ko. Ako ang bukod tanging nag aaruga at kumakayod to be able to provide properly for them.

"Please let me be and stop this 'nagpakabayani sya para sa akin' story."

“DUKOT QUEEN.” Kalakip ng Facebook post ng Wildflower actress ang dalawang screenshots ng kanyang pakikipagsagutan kay Ricardo sa social media.

Dito ay sinagot ni Sunshine ang tungkol sa pelikula niyang Dukot Queen, na diumano’y binili ni Cesar upang hindi na maipalabas sa mga sinehan.

Ayon kay Ricardo, ginawa raw ito ni Cesar dahil may mga malalaswa raw itong eksena, katulad ng “blow job session.”

Bahagi ng mensahe ng kamag-anak ni Cesar: “But Sunshine should still be thankful to Cesar for bailing her out.

“Before their marriage, Cesar paid millions to a movie producer to stop the film from being shown to the public.

“Allegedly, there was a BJ session in it.”

Ayon sa mga naglabasang balita noon, binili raw ni Cesar ang nasabing pelikula sa halagang tatlo hanggang 5 milyong piso.

Sagot dito ni Sunshine: “Kuya Ricardo Lorea, I don’t usually reply to silly comments pero nakakagulat ang iyong pagiging chismoso at pagiging uto-uto mo sa mga haka-hakang iyong narinig sa mga taong pinagmumukhang bayani ng ex ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalake ka ba o sadyang mapagawa ng kwento?

"To set this straight, Dukot Queen is an unfinished movie directed by Tikoy Aguiluz.

“It was never bought by my ex-husband, it was a supposed sexy movie that I did not finish because my parents couldn’t anymore accept the fact that I am doing sexy-bold fims back then.

“Sa kasamaang palad, unedited love scenes were stolen sa Viva Films and spread as pirated DVDs.

"My ex knew about that movie even before we got married.

“I met him the moment I decided to join the sexy bandwagon."

Dagdag pa ng 40-year-old actress, “I hope this clears everything.

"Hindi ko po siya kailangan pasalamatan. Sya po ay dapat hiwalayan sa rason na ako at ang mga anak ko ang nakakaalam.”

Tugon naman ni Ricardo: “What you heard is only half of the stories. If you noticed Cesar didn’t speak about their issues.

“Because Cesar values privacy especially their children. You haven’t heard him saying bad about anyone.

“What’s happening in their dwelling place remains within the four corners of their house.

“Unfortunately, people festing on them because of media interviews.

“Everytime press will interview Cesar, his reply is always, ‘Wag na natin pag-usapan un.’”

Ayon naman kay Sunshine, masyado nang halata kung sino ang tunay na nasa likod ni Ricardo Lorea.

Ngunit hindi na binanggit ng aktres kung sino ang tinutukoy niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN