Derek Ramsay admits living in with non-showbiz girlfriend

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: @ramsayderek11 on Instagram

Malapit na raw magpakasal sina Derek Ramsay at girlfriend na si Joanne Villablanca. Katunayan, para na rin silang totoong mag-asawa dahil magkasama na sila ngayon sa iisang bahay. 


Magta-tatlong taon na ang relasyon ng aktor na si Derek Ramsay sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Joanne Villablanca.

Kilalang-kilala na raw nila ang isa’t isa sa loob ng panahong ito.

Katunayan, mahigit isang buwang nagkasama ang dalawa sa Europe nitong Nobyembre para sa isang bakasyon.

Pagdating sa paglagay sa tahimik, sinabi ni Derek na malapit na itong mangyari ngayong nagsasama na sila ni Joanne.

“Practically, we are... yeah. A year... a year

"Yung isang guest room ko, naging room na ni Sophie," pagtukoy ni Derek sa anak ni Joanne mula sa dating relasyon.

Ayon pa sa 40-year-old actor, nag-iba na ang priorities niya ngayon sa buhay.

Kapag nagpupunta raw siya ng mall, hindi na pansariling gamit ang kanyang mga binibili kundi para na sa kanilang bahay.

Samantala, sinabi ni Derek na nami-miss din niya ang anak na si Austin, pero looking forward daw siyang makasama ito ngayong Pasko.

Saad niya, “He’s gonna come here again for Christmas.

"Ang problema lang is his passport is expiring in February, and we can’t get him an appointment. Ang hirap mag-ano ng appointment ng passport.

“So, if he comes here, hindi siya makakabalik to go to school.

"So we’re trying to get an appointment.

“Ayoko naman mag-skip ng line, kawawa naman yung ibang tao na naghihintay.

"So, whatever is the most… whatever is available, that’s what I'm gonna take."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Derek sa grand presscon ng All Of You, sa Max’s Restaurant, sa Roces Avenue, Quezon City, ngayong Biyernes, December 1.

ALL OF YOU. Ang All Of You ay entry ng Quantum Films, MJM Productions, Globe Studios, at Planet Media Production sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017.

Tumatalakay ito sa dalawang taong magkasalungat ang pananaw sa pag-ibig at pag-aasawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit humantong pa rin sila sa mas seryosong commitment sa kanilang relasyon na nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pagkatao.

Ginagampanan nina Derek (Gabby) at Jennylyn Mercado (Gab) ang dalawang mapusok na karakter na nauwi sa sex ang una nilang pagkikita sa isang lugar sa Taiwan


 

Bukod kina Derek at Jennylyn, kasama rin sa pelikula sina Solenn Heussaff, Rafael Rosell, Yayo Aguila, Kean Ciprinao, at Sam Milby.

Kabilang din sa cast sina Nico Antonio, Via Antonio, Milo Elmido, Enzo Marcos, Kelvin Yu, Kate Alejandrino, at Hannah Ledesma.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN