Hashtag Franco Hernandez's girlfriend reveals untold details about drowning incident

Janica Nam Floresca gives blow-by-blow account of her side of story in boyfriend Franco Hernandez's drowning incident.
by Rachelle Siazon
Dec 2, 2017
Janica Nam Floresca speaks up on alleged loopholes in earlier reports about boyfriend Franco Hernandez's drowning incident that eventually led to his death.

Sa kauna-unahang pagkakataon, inihayag ni Janica Nam Floresca ang diumano’y hindi pagkakatugma sa detalye ng aksidenteng pagkalunod ng boyfriend niya at Hashtags member na si Franco Hernandez sa Davao Occidental noong November 11.

Ito ay sa kadahilanang nais daw niyang itama ang umano’y pagkakaiba sa inihayag na kuwento ng dalawang bangkerong kasama nila nang hinampas-hampas ng malalaking alon ang sinasakyan nilang motorized banca nang mangyari ang insidente.

Ang dalawang bangkero, na natukoy bilang sina Rico Igalan at Efren Kilang, ay nakapanayam sa ulat ng ABS-CBN morning news and current affairs program na Umagang Kay Ganda noong November 13.

Ayon kay Nam, mayroon din umanong pagkakaiba sa kuwento ni Tom Doromal, kapwa Hashtags member ni Franco, sa panayam nito sa November 19 episode ng ABS-CBN weekly magazine show na Rated K.

Ang pamilya ni Tom ang may-ari ng tinuluyang resort nina Franco at Nam sa Don Marcelino, Davao Occidental.

Ayon kay Nam, natagalan ang pagdala sa ospital kay Franco nang ma-transport ito sa resort nila Tom mula sa isla kung saan sila unang napadpad nang sila ay malunod sa dagat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinontra rin ni Nam ang pahayag ng dalawang bangkero na hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa grupo na magsuot ng life jacket nang sila ay sumakay ng motorized banca.

Pahayag ni Nam: “Yung sa Rated K, yung sinabi niya [Tom] na ni-rush daw sa ospital, yun ang gusto ko i-correct.

“Kasi hindi naman talaga ni-rush. And ako lang yung nag-rush. Ako lang yung sumama. Sumunod lang sila.

“Tapos, dun sa mga bangkero na—hindi ko alam kung bakit nila nasabi yun—na meron daw life vest. Ayaw daw namin suotin.

“Sila yung nagpatalon sa amin. Wala silang life vest.

“Tsaka hindi kami dapat aalis dun hangga’t hindi namin sinusuot yung life vest, di ba? Dapat ganun.

“Or kahit meron man lang sa banca na life vest na iniwan—as in, wala talaga.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nam, kasama ang mga magulang ni Franco na sina Raul at Marissa Lumanlan, sa bahay ng pamilya Lumanlan sa Quezon City, kahapon, December 1.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nais nilang klaruhin ang naunang lumabas na balita at bigyang-linaw ang iba't ibang espekulasyon hinggil sa pagkalunod ni Franco.

STORIES WE ARE TRACKING

THE INVITATION. Inilatag ni Nam ang pangyayari mula nang sabihin sa kanya ni Franco na nag-aya si Tom na magbakasyon sa resort ng pamilya nito sa Don Marcelino, hanggang sa pagkalunod ni Franco.

Tiyempong wala raw pasok sina Franco at Tom sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime—kung saan napapanood ang kinabibilangan nilang grupong Hashtags—mula November 9 hanggang 14.

Nagkasundo raw sina Nam at Franco na sumama kay Tom na magbakasyon sa Davao mula November 9 hanggang 13.

Ayon kay Nam, nang makarating ang kanilang grupo sa Davao noong November 9 ay nagpalipas muna sila ng gabi sa bahay ng daddy ni Tom sa Malita, Davao Occidental.

Kinabukasan, November 10, saka pa lang daw sila nagtungo sa private resort sa Don Marcelino na pag-aari ng pamilya ni Tom at bandang lunchtime nang makarating sila roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabalik-tanaw ni Nam sa pag-uusap nila ng nobyo noong gabi ng November 10: “Ta’s nung gabi na, medyo ano ako nun e, sabi ko, 'Punta na lang tayo ng city. Kasi dun na lang tayo sa relatives mo sa Davao City.’

“Kasi parang medyo ano rin ako nun, e. Hindi ko alam, pero may napi-feel ako na something o natatakot ako, na parang may multo, ganun.

“Ta’s hindi ako kumportable talaga sa place. Kaya inaaya ko siya umuwi.

“Nahihiya raw kasi siya kay Tom, na ganun. Tapos sabi ko, ‘Sige.’”

Nanatili pa rin sina Franco at Nam sa resort.

DAY OF THE INCIDENT. November 11 nang mag-aya raw si Tom na mamasyal ang kanilang grupo.

Una raw sana sa kanilang itinerary ang bisitahin ang falls sa kalapit na lugar.

Ayon kay Nam, “Hindi na natuloy kasi baha raw. Kasi umulan ng time na yun, sabi, mag-white beach na rin daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, sabi ko, ‘Sige, okey.’

"E, nakikita ko naman si Franco na masaya siya. Ako, support lang ako sa kanya palagi.

“Ta’s, ayun na, papunta na kami. Excited sila. Ako, medyo di masyado.

"Kasi, una pa lang, sinabi na namin kay Tom na, 'Bro, takot ako sa tubig, ha?'

“Sabi ni Franco na, 'Bro, takot ako sa tubig, ha? Nagpa-panic ako sa dagat.’ Hindi kasi siya marunong lumangoy.

“Hindi rin ako marunong lumangoy. Sabi ko rin kay Tom, ‘Takot ako sa dagat, Tom ha?’

"Sabi niya, 'Ay, hindi naman tayo maglalangoy ng malalalim. May beach naman kasi dun.'"

Sumakay raw sa isang motorized banca ang kanilang grupo na walang suot na life vest.

Sabi ni Nam: “Tapos, wala silang life vest na ibinigay or in-offer. As in, wala talaga.

“Kaya parang wala na rin sa isip namin na walang life vest na papunta.

“Nawala na rin sa isip namin yun, e. Kasi nag-e-enjoy din naman sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam ko, kay Tom naman yun, alam ko kapag kasama siya, safe naman kami, parang ganun. Kasi sa kanya lahat yun, e, yung resort.”

Nakarating ang grupo nina Franco, Nam, at Tom sa White Sand Island sa Sitio Ilib, North Lamidan, Davao Occidental.

Patuloy ni Nam, “Tapos, nung nakarating na kami dun, kumain, nag-picture, tapos kung anu-ano pa ginawa…"

BOAT RIDE HEAD COUNT. Nang nagdesisyon na silang umalis ng isla, sinabihan daw sila ng dalawang bangkero na hatiin ang kanilang grupo sa pagsakay ng banca pabalik sa pag-aaring resort nila Tom sa Don Marcelino, Davao Occidental.

“Tapos, nung pabalik na, parang sabi nung bangkero, dala-dalawa daw na pabalik. Dalawa, tatlo.”

Tanong ng PEP.ph: Ilan ba kayo?

Sagot ni Nam, “Five kami, plus dalawang bangkero. Tapos yung gamit naming boat, fishing boat lang. As in maliit talaga siya.”

Ang limang tinutukoy ni Nam ay siya, si Franco, si Tom, girlfriend ni Tom, at lalaking pinsan ni Tom na nagngangalang Cleo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman malinaw kung ang sinakyan nilang motorized banca ay kinontrata ba ni Tom mula sa mga nakasama nilang bangkero o pag-aari rin mismo ng resort.

Pero ayon kay Nam, kakilala ni Tom ang mga bangkero, na nakatira sa lugar kung saan naroon ang private resort ng huli.

Paliwanag ni Nam, “Kasi sa kanila yun lahat, e. Yung mga tao dun nakatira, kilala nila. So, parang kinausap lang ata.

“Tapos yun, nag-usap na kami ni Franco na, ‘Ano? Tayo na muna ba? Tayo magpapahuli?’

“Tapos sumagot si Tom na, sabi niya, ‘Kasya naman lahat, e. Kasya naman, Kuya?’ Parang ganun.

“Tapos sabi, ‘Kasya.’ Kasya daw. Pumayag yung bangkero na lahat na kami pabalik.”

HIT BY BIG WAVES. Tulad ng mga naunang lumabas na ulat tungkol sa insidente, sinabi ni Nam na pabalik na sila ng resort nang hinampas ng malalakas na alon ang sinasakyan nilang motorized banca.

Nang mga oras na iyon ay hindi naman daw umuulan, pero sadyang malalakas ang alon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung papunta ang lakas ng alon, e, pero kaya pa. Ta’s nung pabalik, as in sobrang malakas na siya. Yung tuluy-tuloy, para kaming nasa surf board na aahon kami tapos biglang bababa.

"As in, talaga yung alon, nakikita talaga namin sa gilid na parang pataas-pababa

“Last baba namin, may malaking alon, dun kami napasukan ng tubig.

“Tapos sabi ng bangkero, ‘Baba lahat, baba!’ Bumaba sila.

"Ako, natira ako. Tapos, parang sabi, okey lang naman daw kasi payat naman daw.

“Tapos bumaba din yung girlfriend ni Tom, pero pinaakyat din niya, kasi takot din, hindi rin marunong maglangoy yun.

“Tapos parang tinatabo nila yung tubig sa banca, nagpa-panic na rin pati yung mga bangkero, e.

“Tapos nun, pinatay din nila yung makina nun, kasi baka lalo kaming maano.”

Tanong ng PEP.ph: Paanong baba? Baba saan?

Sagot ni Nam: "Sa dagat, talon. ‘Baba sa banca!’ Tapos tinatabo…

"E, may paparating na sobrang lakas na alon. Dun na sabi, ‘Baba na lahat!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ta’s maglangoy na raw papuntang shore."

Sa ulat ng Umagang Kay Ganda, base sa pahayag ng mga bangkerong sina Rico at Efren, walang binanggit ang mga ito na sila ang nagsabi sa grupo nina Franco, Nam, at Tom na lisanin ang banca, tumalon sa dagat, at lumangoy patungo sa pinakamalapit na dalampasigan.

Mariin ding kinontra ni Nam ang pahayag ng mga bangkero na hindi sila nagkulang sa pagpapaalala na magsuot ng life vest.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BOATMEN'S "INSTRUCTION." Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Nam sa PEP.ph, inilarawan ng dalaga ang distansiya ng dalampasigan sa kinalulugaran nila sa gitna ng dagat.

“Pag titingnan mo kasi, kitang-kita mo malapit, e. Pero pag lalanguyin mo, malayo. Sobrang malayo talaga. Tapos sobrang lalim pa.

“Wala kaming life jacket. Hindi kami marunong lumangoy.

"Ta’s yung alon, tuluy-tuloy. Talagang malulunod talaga kami."

Diin ni Nam, “Yung mga bangkero yung nagpatalon sa amin. Hindi kami kusang tumalon. Bakit kami tatalon, di ba?

“Tapos nung tumalon na, ako, ayoko pang tumalon.

"Si Franco nagagalit na siya sa akin, ‘Tumalon ka na! Tara na!’

“Parang no choice na, no choice na kami. Lulubog daw yung banca, ganyan.

“Ta’s nauna yung ano... Hindi ko na napansin yung iba, e. Kasi ang focus ko, kaming dalawa, e.

“Yung bangkero yung nauna, tapos kumapit ako sa kanya.

"Ta’s sabi ko kay Franco, 'Love, kapit ka sa akin.' Ta’s kumapit siya sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong una ay nagpalutang-lutang daw sila sa kalapit ng banca, pero biglang nagkahiwalay sina Franco, Nam, at kinakapitang bangkero nang may humampas sa kanilang malakas na alon.

“Dun na nag-start yung struggle namin, kasi nung may alon, naghiwalay-hiwalay na kami.

"Yung bangkero, hindi ko na makita. So, wala na akong kakapitan.

“E, hindi kami marunong lumangoy. Papa’no kami?

"So, parang ang naisip ko nun, 'Okey, iniwan na kami dito. Wala na. Parang wala nang liligtas sa amin. Wala nang babalik.'

“Kasi wala na talaga akong makitang mga tao, e.”

"INIWAN NA TALAGA KAMI." Ayon kay Nam, nang mga oras na iyon ay hindi na niya napansin kung nasaan si Tom at girlfriend nito.

Dagdag ni Nam, “Yung isang kasama namin na guy, si Cleo, nauna na.

"Tapos yung dalawang bangkero, nauna na din. Parang iniwan na talaga kami.

"Parang, dadalhin mo kami sa gitna, tapos iiwan mo kami, na hindi nga kami marunong lumangoy?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw nakakapit ng banca sina Nam at Franco dahil sa instruction ng mga bangkero na lisanin ang banca, tumalon sa dagat, at lumangoy patungong dalampasigan.

"Kasi, hindi, e. Pinalayo nila kami papuntang shore. Sabi, ‘Langoy na papuntang shore.’"

Ayon kay Nam, “iniwan” sila ni Franco sa gitna ng laot ng mga bangkerong lumangoy papuntang dalampasigan.

Kinuwestiyon din ng dalaga ang sinasabing intensiyon umano ng isang bangkero na maunang pumunta ng kalapit na isla upang humingi ng tulong sa pag-rescue sa grupo.

"Sabi ko, 'Paanong tatawag ng rescue kung patay na kami? Dadating yung rescue, patay na kami, di ba?

“Dapat, sana man lang, kinuha kami, dinala na muna kami bago sila tumawag ng rescue.

“Kaso wala, iniwan nila talaga kami, nalulunod na kami.

“Tapos nun, parang ako, nung time na yun, sabi ko, 'Wala na ‘to, wala na ‘to. Di ko na kaya.'

“Kasi nakakainom na kami ng tubig, e. Pag lulubog kami, tapos pag aahon kami, may alon na naman. Ta's tuluy-tuloy yung alon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos wala na talaga. Tuluy-tuloy yung alon, nagsusuka na kami…

"Tinatanggap ko na lang na, ‘Okey, magkasama na kami ni Mico sa kabilang buhay.'

"Nagpa-flashback na yung memories, nakapikit na lang ako. Parang merong konti, ta's liwanag na lang nakikita ko.”

Mico ang palayaw ni Franco, na ang buong pangalan ay Franco Miguel Hernandez Lumanlan.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WAITING FOR RESCUE. Ayon kay Nam, “30 minutes” silang pilit na nagpalutang-lutang ng nobyong si Franco sa gitna ng dagat.

May puntong hindi raw niya maaninag kung nasaan si Franco dahil sa tubig na napupunta sa kanyang mata dala ng hampas ng alon.

Gusto mang sumuko noon ni Nam, bigla raw siyang nahimasmasan nang marinig si Franco na sumigaw na tila nahihirapan.

Nang sa wakas ay makita niya kung nasaan ang nobyo, naisip daw niyang huwag silang maghawak-kamay dahil baka lalo lang silang lumubog at malunod.

Pilit daw nagpakatatag si Nam kahit na aminadong hindi siya marunong lumangoy.

“Ta’s nakita ko siya, naka-float, ta’s parang nakatingin lang siya sa malayo. Pero nakaharap siya dun sa wave.

“Tapos ako, gayahin ko siya, magpu-float din ako. Baka sakaling gumana. Maging okey.

“Pero kahit mag-float ka, hindi talaga, e, kasi tuluy-tuloy yung wave.

“Magpu-float ka, pero lulubog din kami.

“Tapos, parang sabi ko sa kanya… Gusto ko talaga sabihin sa kanya na mahal na mahal…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa puntong ito ay sandaling napatigil sa paglalahad si Nam at nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

Nang mapayapa niya ang kanyang emosyon, patuloy ng dalaga, “Gusto ko sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya.

“Pero imbes na yun na yung sabihin ko, nasabi ko na lang, ‘Love, laban lang!’ Sinigaw ko yun sa kanya kahit wala na akong maisigaw.”

Pagkalipas ng 30 minuto nilang palutang-lutang sa dagat, binalikan sila sa laot ng isang bangkero upang sagipin.

“Tapos dumating na yung bangkero, yung isa dumating siya. Ako yung nilapitan niya.

“Sabi ko, ‘Yung boyfriend ko po, yung boyfriend ko, siya na lang po unahin niyo.’

“Ta's sabi ko nun, hinding-hindi ako aalis. Kasi minsan, hindi ko siya nakikita, e.

“Lulubog siya, tapos biglang aahon. Talagang sumisigaw ako na, ‘Franco! Franco!’

“Tapos, pag nakikita ko siya na nandiyan siya, medyo kakalma ako. Sabi ko, hindi talaga ako aalis dito hangga't hindi ko siya kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ta's, yun nga, pinuntahan siya ng bangkero, tapos si Mico kumapit.

“Parang wala na talaga siyang oxygen, e. Hindi na siya makahinga.

"So, parang pati ako, parang nahihila na niya ako pababa."

Ayon kay Nam, humawak si Franco sa kanya at sa bangkero nang lumangoy sila papunta sa isang isla kung saan sila napadpad.

Sa gitna pa lang ng dagat, napansin daw ni Nam na hirap na si Franco na lumangoy dahil nahihila siya nito palubog ng tubig.

“Sabi ko nga, kahit ako na lang, e. Kahit huwag na siya. Kahit siya na lang mabuhay.

“Kasi pag love mo talaga ang tao, kahit hindi na ikaw, e. Ganun pala talaga pag nandun na sa sitwasyon.

“Kasi alam kong wala na siyang hangin, e. So, ang ginawa ko, ako yung lumubog. Tapos inangat ko siya.

“Parang humugot ako ng lakas para maiangat ko siya.

“Tapos, after nun, nakakapit na ako sa bangkero, pero sobrang hinang-hina na ako. Suka ako nang suka nun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung nagpu-float siya, naririnig ko na siya, as in sumusuka na siya.

"Tapos ako, hindi ko napapansin na sumusuka rin pala ako. Kasi puro tubig, e, so hindi ko napapansin.”

UNCONSCIOUS FRANCO. Sa kabila ng dinaanang hirap sa paglangoy sa gitna ng dagat, sa wakas ay nakarating din ang tatlo sa pampang.

Ngunit pagdating doon ay wala na raw malay si Franco.

Lahad ni Nam, “Tapos nung nakarating na kami ng shore, ayun na si Franco, tapos ako.

“Ta’s parang ako yung ire-revive nila. Sabi ko, ‘Dun kayo lahat kay Franco.’

“Sabi ko, ‘Gawin niyo lahat. Huwag kayo titigil hangga’t hindi nagigising.’

“Tapos pag-ahon sa amin, as in dilaw na kami, nangingitim na kami.

“Tapos si Franco, wala na siyang malay nun, pero may pulso pa siya. Meron pa talaga.”

UKG REPORT. Sa ulat ng Umagang Kay Ganda noong November 13, nakapanayam ang dalawang bangkero na sina Rico Igalan at Efren Kilang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito tinukoy na ang islang pinasyalan ng grupo nina Franco, Nam, at Tom ay ang White Sand Island sa Sitio Ilib, North Lamidan, Davao Occidental.

Nabanggit sa ulat ang pahayag ni Rico na naglalayag na sila pauwi sa resort nang pinasok at napuno ng tubig ang sinasakyan nilang banca matapos hampas-hampasin ng malalakas na alon.

Nauna umanong nakabitiw sa pagkakakapit sa banca ang isang lalaking kasama sa grupo kaya ito ang inuna nilang sinaklolohan at inilangoy papunta sa pinakamalapit na dalampasigan.

Nang balikan daw ng dalawang bangkero ang banca sa laot, naabutan nila si Franco at kasamang babae na nalulunod.

Mula sa laot ay dinala raw ng bangkero si Franco at kasama nitong babae sa dalampasigan.

Ngunit pagdating sa pampang ay tanging ang babae lang daw ang nagising.

Sa ulat na ito sinabi ng bangkerong si Efren na hindi raw sila nagkulang sa pagpapaalala sa grupo nina Franco at Nam na magsuot ng life vest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit sa hiwalay na panayam ng PEP.ph, nanindigan si Nam na sadyang walang life vest sa sinakyan nilang banca.

Ayon pa sa mga magulang ni Franco, na sina Raul at Marissa Lumanlan, nang makasama nila sa isang "meeting" si Tom kamakailan ay nalaman nila mula sa binata ang dahilan kung bakit walang life vest sa banca na sinakyan ng grupo sa Davao Occidental.

Bukas ang PEP.ph sa panig ni Tom Doromal ng mga bangkerong sina Rico Igalan at Efren Kilang kaugnay ng mga pahayag ni Janica Nam Floresca.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Janica Nam Floresca
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janica Nam Floresca speaks up on alleged loopholes in earlier reports about boyfriend Franco Hernandez's drowning incident that eventually led to his death.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results