Ai-Ai delas Alas all set for December 12 wedding

IMAGE Nice Print Photography / Noel Orsal

Ai-Ai delas Alas is all set to marry boyfriend Gerald Sibayan on December 12. Amid all her wedding preparations, she still managed to find time to shoot a new TV show and open her new restaurant.


“Medyo stressed! Kasi nga nagsu-soap opera ako, 'tapos ang dami-dami kong ganap.

“Nagbubukas ng restaurant...

“Hindi ko rin naman maintindihan kung bakit ginagawa ko ‘to,” natatawang sagot ni Ai-Ai delas Alas sa tanong namin kung ano ang nararamdaman niya at ilang araw na lamang ay magiging Mrs. Gerald Sibayan na siya.

Sa December 12 magaganap ang kasal nila.

NEW TV SHOW. Nagte-taping na si Ai-Ai para sa bagong Kapuso show na pagbibidahan nina Ruru Madrid, Gabbi Garcia at Janine Gutierrez.

Ina ni Ruru ang papel ni Ai-Ai sa show na wala pang pamagat sa ngayon.

Bakit nga ba pinagsabay-sabay niya ang mga ganap sa buhay niya?

Lahad niya, “Ewan ko rin ba kung bakit ko pinagsabay-sabay.

“Nagkataon lang na pinagsabay-sabay ko kasi para isang bugahan na lang.

“Para kumbaga yung outcome next year, kumbaga medyo ano na, semi-semi ano na lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa thanksgiving at pre-wedding lunch treat nila para sa mga kaibigan nila mula sa media nitong nakaraang Huwebes, November 30, sa Le Reve Pool Party Venue and Events Place sa Sgt. Esguerra St. South Triangle, Quezon City.

Ayaw pa nga ni Ai-Ai na magpa-interbyu noong una.

“Hindi ito presscon, party-party ito.

“Enjoy lang tayo, huwag niyo na akong interbyuhin,” pakli pa ng Comedy Queen na nagpaunlak din sa hiling naming updates sa buhay niya.

Saaang aspeto siya mas nai-stress sa mga aspeto ng kanyang kasal?

Pag-amin niya, “Hindi ako na-stress sa wedding part. Na-stress ako sa pagbubukas ko ng restaurant.

“Kasi may wedding planner ako, e.”

RESTO BIZ. Kakabukas lang ng Ai Sarap Food Express na bagong negosyo ni Ai-Ai sa Sgt. Esguerra St. corner Mother Ignacia, Quezon City.

Kaninong idea ang restaurant business niya?

“Ako rin! Lagi na lang ako!” at tumawa si Ai Ai.

“Hindi, ewan ko ba...

“Kasi, kaya nag-o-open din kasi ako ng business, di ba may plano kaming magka-baby next year so magpapahinga ako pag nabuntis na ako?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LAST-MINUTE WEDDING PREPS. Tatapusin muna raw niya ang kanyang mga shows bago magbuntis.

Pero tanong namin, paano kung bigla siyang mabuntis?

Saad niya, “Bigla na may soap? E, di go! Wala naman tayong magagawa.”

Gaano ka-hands on si Ai-Ai sa pag-aayos ng kasal nila ni Gerald?

Sambit niya, “Ayan, kaya medyo late ako bumaba ngayon, kasi nag-meeting kami sa itaas.”

Masarap raw sa pakiramdam na ikakasal na sila ni Gerald.

“Oo, kasi papasok ka na sa ano e, sa matrimony.

“Kumbaga bilang Katoliko, isa yun sa sakramento ng Katoliko di ba, ang matrimonyo ng kasal.

“So medyo complete na ako,” pakli niya.

HONEYMOON PLANS. Ang honeymoon nila ni Gerald sa Europe ay sa April na mangyayari.

“Regalo ni APT, regalo ni Ninong Chairman,” pagtukoy ni Ai-Ai kay Mr. Antonio P. Tuviera ng TAPE, Inc. at APT Entertainment.

Ang hectic schedule daw ni Ai-Ai ang rason kung bakit sa Abril pa ang honeymoon nila.

Kuwento niya, “May soap ako, may isa pang show kami ni Bossing [Bossing & Ai with Vic Sotto].

“Tapos hindi naman ako puwedeng um-absent sa Sunday PinaSaya.”

BABY PLANS. Ano ang una niyang gustong maging anak?

Aniya, “Kahit ano basta kung ano ang ibigay ng Diyos sa amin.”

Paano kung kambal?

“Ah, iyon ang gusto ko! Kasi sanay na ako, dalawa yung dogs ko na inaalagaan na mabibigat, kaloka!” halakhak pa niya.

Gusto ni Ai-Ai talaga na magkaroon ng kambal na mga anak.

Sabi niya, “Oo! Kaya marunong na ako, handa ako dun, handa akong magbuhat ng dalawa!

“Kasi dalawa yung alaga ko, ang bibigat.”

MARIAN'S GIFT. Tapos na ba ang wedding gown niya na regalo ng”kambal” niyang si Marian Rivera?

Ani Ai-Ai, “Hindi ko pa alam, te-text ko kay Frederick Peralta.”

Ano ang sinasabi sa kanya ni Marian?

“Ang ganda-ganda ko raw!” hirit niya.

ADVICE FROM FRIENDS. May mga celebrity friends ba siyang may advise sa kanya ngayong magiging misis na siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala! Dyusko ang daming beses ko nang ikinasal. Hindi ko pa ba alam?

“Oo, sa church. First time ko sa church pero yung pakikisama sa asawa, dyusko naman!

“Kumbaga sa ano, PHD na ako dun!

“Doctorate na ako, huwag na akong umarte!” biro niya.

Wala ba siyang babaguhin?

“Siyempre yung mga mali ko, babaguhin ko.”

Tulad ng?

“Marami iyon, huwag na nating i-ano,” pakiusap niya.

Ano ang pakiramdam na sa Pasko ay Mrs. Gerald Sibayan na siya?

“Bongga! Siyempre bongga, may kasama na ako,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN