Cesar Montano mulls filing case against Marlene Aguilar amid corruption and misconduct allegations

IMAGE Allan Sancon

Tourism Promotions Board (TPB) Chief Operating Officer Cesar Montano is seriously considering filing a case against Marlene Aguilar, who took to Facebook some weeks back, accusing Cesar of corruption and misconduct. He believes that the attacks stem from a sponsorship deal that Marlene was brokering for the TPB, but didn't push through.


Pinag-aaralan na ng mga abogado ng Tourism Promotions Board (TPB) Chief Operating Officer na si Cesar Montano ang mga kaso na isasampa nila laban kay Marlene Aguilar dahil sa mga paratang nito na corruption at misconduct laban sa aktor.

Si Marlene ay kapatid ng folk singer na si Freddie Aguilar at ginamit niya ang sariling Facebook account sa paninira laban kay Cesar dahil sa isang cultural project na inilapit ng kampo niya sa TPB pero hindi nagkaroon ng katuparan.

Below-the-belt at personal ang mga atake ni Marlene kay Cesar.

STRONG CASE. Hangga’t maaari sana ay ayaw nang magsampa ni Cesar ng kaso kung kanino man, pero ang mga tao sa paligid niya ang nagsabi na sobra na ang mga paninira sa kanya ng nakababatang kapatid ni Freddie.

“The people close to me are already crying foul against all the vicious attacks on my person and character.

“You know me, I’m not a person who engages anyone on things like this, lalo na hindi naman totoo.

“I didn’t want to be filing a case against anyone. It’s not my style.

“But this time, I think it is just right because there are people who mistake our silence for toleration of their wrongful behavior against me.

“I have done nothing wrong. I have nothing to hide,” pahayag ni Cesar na naniniwalang may malakas na kaso siya laban kay Marlene.

Idinagdag ni Cesar na ang mga atake ni Marlene ay posibleng nag-ugat sa pagbawas ng budget para sa cultural project na ihinihingi ng sponsorship ng kampo ni Marlene sa TPB.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN