Jennylyn Mercado thanks Patrick Garcia's wife Nikka for her support and understanding

IMAGE @nikkamgarcia on Instagram

Jennylyn Mercado (in red) with (L-R): Dennis Trillo, Alex Jazz, Patrick Garcia, Nikka Garcia, and daughters Chelsea and Patrice. Jennylyn openly acknowledges Nikka for encouraging Alex Jazz to bond more with his dad and half-siblings. She says, "Masaya ako na very open si Nikka, tapos very understanding. Napakabait, e. O, napakabait."


Kinumpirma ni Jennylyn Mercado ang maayos na samahan nila ngayon ni Patrick Garcia na ama ng kanilang anak na si Alex Jazz.

Naging usap-usapan ang tungkol sa maayos na samahan nina Jennylyn at Patrick nang magkasunud-sunod ang posting ng mga larawan nila sa Instagram kunsaan magkakasama silang lahat sa larawan—siya kasama ang kasintahan niyang si Dennis Trillo at ang anak nitong si Alex Jazz, sina Patrick, ang misis nitong si Nikka Garcia at ang dalawa nilang mga supling.

Binanggit pa ni Jennylyn ang pangalan ni Nikka at pinasalamatan niya ang misis ng kanyang ex kaugnay sa maayos na samahan nila nina Patrick para kay Jazz.

Pagmamalaki ni Jenn, “Okey kami.

“Kumbaga, ang laki ng pasasalamat ko sa asawa niya, kay Nikka, very supportive kasi, e.

“Hindi siya... ano ba? Parang silang dalawa ni Patrick yung tatay, parang gano'n.

“So, masaya ako na very open si Nikka, tapos very understanding.

“Napakabait, e. Oo, napakabait.”

Kahit raw sa mga anak nina Patrick at Nikka ay malapit din si Jazz.

“Kasi kapag dumadalaw sila sa bahay, kasama yung mga bata.

“Kumpleto sila,” dagdag niya.

Ayon pa rin sa Kapuso actress, payag na raw siyang mahiram ni Patrick at ng kanyang pamilya si Alex kahit overnight.

Sabi pa niya, “Puwede naman, oo.”

Ipinaliwanag ni Jennylyn kung bakit dati ay hindi niya gustong ipahiram nang matagal sa labas ang anak.

Paliwanag nang sexy actress, “Di ba may kundisyon si Jazz?

“Mahirap…lalo pag hindi ka sanay sa... kasi noon maliit pa siya. e.

“Ngayon, nine years old na siya.

“Nakakatakot lang na pag mag-o-overnight sa ibang bahay kahit na siyempre tatay niya 'yon, mahirap yung handling, e.

“Iba pa rin yung nakasanayan ng bata.

“Ngayon nagagamay naman na nila.”

Masaya ring inamin ni Jenn na malapit din si Jazz sa boyfriend niyang si Dennis Trillo, pero nilinaw niyang hindi ganoong kadalas magkita sina Jazz at ang anak ni Dennis na si Calix.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Jenn, “Bihira po kaming magkita, e.

“Usually pag may okasyon, yung birthday, Pasko o New Year, yung mga ganyan. Father’s Day, Mother’s Day.

“Ganyan yung mga okasyon na nagkikita-kita kami.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa pinakahuling presscon ng lalabas nilang movie sa taong ito ng MMFF na magbubukas sa mga sinehan ngayong Dec. 25, ang All of You.

Ito ay pinagbibidahan ni Jennylyn at Derek Ramsay, sa direksyon ni Dan Villegas, para sa Quantum Films.

Ginanap ang presscon kahapon, Biyernes, Dec. 2, sa Max’s Resto sa Roces Ave., Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN