Derek Ramsay denies proposing to girlfriend in Europe

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: @ramsayderek11 on Instagram

Derek Ramsay denies rumors that he already proposed to his girlfriend Joanne Villablanca during their recent European trip: "Kung magpu-propose ako, dito sa Pilipinas. This is my home country. Dito ako titira. I want everything to be done here. I know others had weddings abroad. I wanna keep it here."


Itinanggi ni Derek Ramsay na nag-propose na siya sa kasintahang si Joanne Villablanca nang magbakasyon sila sa Europe kamakailan para i-celebrate ang 70th birthday ng kanyang inang si Gng. Remedios Ramsay.

Ipinagdiinan ni Derek na hindi siya nagkaroon ng intensyon na mag-alok ng engagement sa non-showbiz girlfriend.

Pagklaro niya, “Kung magpu-propose ako, dito sa Pilipinas.

“This is my home country.

“Dito ako titira. I want everything to be done here.

“I know others had weddings abroad. I wanna keep it here.”

Hindi pa masigurado ni Derek kung kailan siya magpu-propose kay Joanne.

“Tignan natin,” sambit niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek bago maganap ang presscon proper para sa MMFF 2017 movie entry nila ni Jennylyn Mercado na All Of You.

Ginanap ang prescon sa Max's Restaurant, Roces Ave., Quezon City noong Biyernes, December 1.

Hindi maiwasang hindi mausisa si Derek tungkol sa engagement dahil sa mga sweet moments nila ni Joanne sa mga lugar na pinuntahan nila sa Florence, Vatican at iba pa.

Nagkaroon tuloy ng speculations na baka nag-propose na si Derek sa kasintahan pero inililihim lang niya ito.

STRONGER RELATIONSHIP. Inamin naman ni Derek na nasa mas mataas na level na ang kanilang relasyon ni Joanne.

Lahad niya, “Yes, everything is going really well. Very-very serious.

“Our relationship is stronger than ever.

“I don’t compare relationships to relationships that I had in the past, but this relationship is solid and it looks like nothing can break this relationship.”

WEDDING IN PH. Tiniyak din ni Derek na mas gusto niyang ikasal dito sa Pilipinas, di tulad ng ibang celebrities na piniling gawin ang kanilang weddings sa ibang bansa.

Sabi pa ni Derek, “Everything will be done here.

“Baka Palawan. I love the Philippines. I love it here.”

Kasama ni Derek sa presscon si Joanne pero nasa isang lugar lang ito at naghihintay sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MATURITY. Itinanong namin sa aktor kung ano meron sa relasyon nila ni Joanne at naramdaman niyang ready na siyang magpakasal?

Mabilis niyang sagot, “I guess what helps was everything that I’ve been through.

“I’ve been through some intense relationships.

“A lot of hurt you learn from and you always look back and tell yourself not to commit another set of mistakes.

“You just mature and everything, insecurities, wala na, e.

“We all know that she’s a mom and she has a wonderful daughter, and I guess it’s really like a family environment for me.”

SACRIFICES. Inamin ni Derek na marami ring sakripisyo sa kanya si Joanne.

Dagdag niya, “Most definitely and I’m very appreciative of the sacrifices that she does.

“She’s out there waiting for me and you know, you think na sawang-sawa na siguro siya sa akin.

“Magkasama kami one month sa Europe pero she’s there outside wanting to be with me, to support me on another project that I am going into.

“So, everything is just nice, because I’m a family guy and with the daughter there and Jo being a wonderful mom, I guess this sets a family and I like it.”

Sinabi rin ni Derek na naa-appreciate niya ang mga maliliit na bagay na ginagawa ni Joanne para sa kanya, at kahit simple lang itong mga ito, mas tumatatak daw sa kanyang puso.

Lahad niya, “The little things, like nakita niyo ngayon, hindi na ako nagpi-frisbee.

“Mas gusto ko nang makasama siya. Oo, ayoko, hindi na ako nagpi-frisbee.

“I enjoyed just waking up in the morning na siya ang kasama ko.

“Kung hindi ko siya kasama, siya ang unang hahanapin ko.”

Hindi maiwasang hindi pag-usapan ang tungkol sa kasal dahil bukod sa madalas makita sa Instagram account ni Derek ang mga romantic moments nila ni Joanne, tungkol din kasi sa marriage at commitment ang kanilang pelikulang All of You na ipalalabas ngayong December 25, sa opening ng Metro Manila Film Festival 2017.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay idinirek ni Dan Villegas para sa Quantum Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN