Luis Manzano chooses to ignore comparison of Jessy Mendiola's gown to Angel Locsin's

IMAGE @luckymanzano on Instagram

Luis Manzano and Jessy Mendiola attended the wedding of Anne Curtis and Erwan Heussaff in New Zealand.


Masasabing controversy magnet ang magkasintahang Jessy Mendiola at Luis Manzano sa social media.

Nitong nakaraang kasal nina Anne Curtis at Erwan Heusaff noong November 12 sa New Zealand kung saan naging Man of Honor si Luis, ilang netizens ang nagsabing hindi raw talaga invited si Jessy. 

Nakumpara rin ang pagkakapareho ng suot ni Jessy at ng ex-girlfriend ni Luis na si Angel Locsin sa pre-wedding celebration nina Anne at Erwan.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Luis sa nakaraang Just Love trade event para sa mga bagong shows ng ABS-CBN noong November 28, nagbigay uli ng pahayag ang TV host sa mga bashers nila ng girlfriend.

“Sinabi ko na ‘yan sa Tonight With Boy, hanggang internet lang kayo!

"Diyusko, puntahan ninyo ako, puntahan ninyo ako!

"Sa dinami-dami ng namba-bash, wala pang nakakapagsabi sa harap namin.

"Puro type lang ang mga ‘yan. Hanggang internet lang kayo,” hamon niya.

NO COMMENT. Nang hingan naman namin siya ng reaksyon sa mga bashers na nakapansin sa pagkakapareho ng damit nina Jessy at Angel, pinili na lang ni Luis na huwag nang patulan ang isyu.


Stories We Are Tracking

Jessy Mendiola says boyfriend Luis Manzano is a keeper
Jessy Mendiola says boyfriend Luis Manzano is a keeper
Angel slams netizen reviving past issue with Luis, Jessy
Angel slams netizen reviving past issue with Luis, Jessy
Did Angel Locsin and Jessy Mendiola wear the same dress?
Did Angel Locsin and Jessy Mendiola wear the same dress?

“Ayokong mandamay ng ibang tao, ayoko. Ayokong magbanggit ng ibang pangalan kasi ipagtatahi pa nila ‘yan.”

TEARS OF JOY. Samantala, marami ang nagulat at na-touch kay Luis nang maiyak ito sa mismong kasal nina Anne ar Erwan.

Ayon naman sa TV host, masayang-masaya siya para sa matalik na kaibigan dahil alam niyang magiging maligaya ito sa lalaking pinakasalan.

Pag-amin niya, “It was very, very intimate, so special.

"Ang sarap panoorin, something so pure, so sincere.

"Sa akin, Anne as my best friend, I know she’s in great hands.

"Ang sarap ng feeling bilang male best friend na kampante ako na mamahalin siya nang sobra-sobra nitong pakakasalan niya.”

Sa tanong namin kung sa kasal ba ng dalawa ay sumagi sa isip nila ni Jessy ang magpakasal na, ayaw daw madaliin ni Luis ang mga bagay-bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Ayaw naming pilitin.

"It’s better kaysa pinipilit ang mga bagay-bagay.

"That's why things don’t work.” 

PASSING THE TORCH. Tungkol naman sa pagkakapili ng ABS-CBN kay Toni Gonzaga bilang host ng Pilipinas Got Talent, wala naman daw isyu kay Luis dahil bilib din siya sa husay nito. 

Pagmamalaki niya, “Sabi ko nga, Toni is Toni.

"It’s an upgrade, version 6.0."

Mami-miss ba niya ang show?

"Miss?

"Oo naman! More than anything, it’s the family.

"Five seasons kaming nagsama-sama.

"Di biro yung pinagsamahan namin ng seasons one to five," pahabol niya. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN