Bea Rose Santiago defends Mariel de Leon from bashers

IMAGE Noel Orsal, Internet

Miss International 2013 Bea Rose Santiago (right) to Bb. Pilipinas International Mariel de Leon: "Happiness is the best revenge."


Hiningan namin ng reaksiyon si Miss International 2013 Bea Rose Santiago sa pamba-bash na tinatanggap ng Bb. Pilipinas International 2017 na si Mariel de Leon.

Bukod sa pagkatalo nito sa katatapos lamang na Miss International 2017 pageant noong Novemeber 14, napaka-bokal din ni Mariel sa ilang pangyayari sa ilalim ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Bea Rose sa nakaraang Just Love trade launch ng ABS CBN na ginanap noong November 28, dinepensahan ni Bea Rose si Mariel.

Hindi rin sumasang-ayon ang dating beauty queen na sobra at wala sa lugar ang pagiging prangka ng anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

“I don’t really think so.

"I know her naman personally behind the scenes, and she’s very nice to me and to everybody.

"Since 2013 'til now, she’s very nice, and I’ve never heard or seen anything negative towards me."

Normal lang naman daw na may mga taong hindi ka magugustuhan.

“Actually, part talaga ‘yan, 50/50 yan. Ako, nanalo man ako o hindi, mayroon talagang fifty percent na di ka gusto.

"Yun na lang ang gamitin mong confidence na ayusin mong mabuti, do your best, and outshine."

Ang naging payo niya kay Mariel, "For me, happiness is the best revenge.

"As long as you are happy in whatever you are doing, you are confident, you’re showing them, you know haters gonna hate.”

May mga nagsasabing mahirap ang back to back victory sa beauty-pageant world. Hindi pa ito nangyayari sa history ng pinakamalaking beauty pageants—ang Miss Universe, Miss World, at Miss International.

Kaya naman, malaki ang pressure sa successor ng isang titleholder sa kanilang bansa.

Para naman kay Bea Rose, dapat nang tanggalin ang ganitong ideya.

"Siguro di sumpa, more of pressure lang. I think let's not use it to add more pressure to the next girls. Kasi it’s gonna make them confuse about magiging focus nila...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro wag nating tanggalin yun sa kanila, wag nating [sabihin], 'Ay, sumpa, di ka mananalo.' Let’s not do that.

"Instead make them feel like, you know how you should push yourself and ipakita mo sa mga negative people na kayang-kaya mo."

Napapanood ngayon si Bea Rose sa La Luna Sangre bilang isa sa kampon ni Richard Gutierrez.

Kakaibang karanasan daw para sa kanya ang pag-arte sa telebisyon.  

“Sobrang kakaiba, it’s very different from modelling and being a beauty queen. This is like act as a different person, this is amazing.

"Siguro yung training ko as a beuaty queen, it helped, kasi siyempre you have to do this persona na iba, I have to hold that character, e.

"Medyo very bitchy yung character ko dito, creepy.

"Marami akong first time dito sa La Luna.

"Siyempre mga idols ko nung bata pa hanggang ngayon at natuto ako sa kanila," pagtatapos ng dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN