Ruby Rodriguez clarifies loyalty quote was not about Maine Mendoza

IMAGE @rodriguezruby on Instagram

Eat Bulaga! host Ruby Rodriguez clarified her Twitter post about "loyalty" this weekend, "Don't put any other meaning sa post po. Thats a loyalty program ng Globe." She wrote her clarification for AlDub fans who assumed that her post was directed towards Maine Mendoza, who is currently on leave from the noontime show.


Ikinagulat ng Eat Bulaga host na si Ruby Rodriguez ang mga negatibong reaksyong natanggap nito sa kanyang Twitter account matapos niyang mag-post ng isang quote tungkol sa loyalty.

Nitong nakaraang Sabado, December 2, nag-post si Ruby ng litrato ng bago niyang smartphone bilang loyalty reward galing sa telecom subscription nito. Kalakip dito nito ang official hashtag na #GlobeIPhoneX.

Ang buong caption ng 51-year-old TV host: "Loyalty is not a sign of weakness but of true character???? it shall not go unrewarded???? Thank you Globe, Christmas is here???????? #GlobeIPhoneX"

Hindi nagustuhan ng ilang fans ng kapwa Eat Balaga Dabarkads nito na si Maine Mendoza ang tila saktong pag-post ni Ruby ng kanyang quote ngayong maugong ang balita sa social media sites na kasalukuyang naka-leave si Maine mula sa Kapuso noontime show.

Hindi rin kasi buong lumabas sa Twitter ang caption na pinost ni Ruby sa Instagram kaya inakala ng ilan na para nga kay Maine ang nasabing quote.

Ngayong Linggo, December 3, nilinaw ni Ruby sa isang tweet na wala siyang ibang nais iparating sa kanyang Instagram caption.

Tweet nito, "Omg!! Ok lang kayo? Globe Loyalty program ang post but kailangan lagyan ng meaning!!???!!"

Muli niya itong nilinaw sa Instagram at nag-iwan din ng siya ng komento na huwag sanang bigyan ng malisya ang kanyang post. 

Komento ni Ruby, "Dont put any other meaning sa post po. Thats a loyalty program ng Globe."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN