Jennylyn Mercado not in a rush to get married

IMAGE All of You teaser on YouTube

Jennylyn Mercado admits that she's in no rush to get married: "Wala pa, matatagalan pa. Sa ngayon, hindi pa talaga. Marami pa akong gustong ma-accomplish. Marami pa kong gustong gawin. Maliit pa rin yung anak ko, kailangan niya 'ko."


Base sa trailer ng bagong pelikula ni Jennylyn Mercado na All of You, makikitang ang karakter niya rito ay isang dalagang nagmamadaling magpakasal.

Pero sa totoong buhay, natatawang nilinaw ni Jenn na wala pa raw ito sa isip niya.

Pagklaro niya, “Wala pa, matatagalan pa.

“Sa ngayon, hindi pa talaga.”

Sabi rin namin sa kanya, lalaki naman madalas ang nag-i-initiate nito.

Pagsang-ayon niya, “Yun nga, hindi natin masasabi.

“Pero sa ngayon, wala muna.

“Wala pa kami sa ganung stage.

“Sasabihin ko naman sa inyo.”

Marami pa siyang gustong gawin?

Aniya, “Oo naman, kumbaga, hindi pa ko okay.

“Marami pa akong gustong ma-accomplish.

“Marami pa kong gustong gawin.

“Maliit pa rin yung anak ko, kailangan niya 'ko.”

TAKING HER TIME. Pero iba rin naman yung may katuwang siya kung sakali.

“Oo, pero sanay na rin ako.

“Ako pa ba?” natatawang hirit niya.

Paano kapag nag-propose na si Dennis?

Paninigurado niya, “Wala ‘yan, malayo pa ‘yan.”

Nakikita naman ba niya ang sarili na si Dennis na nga talaga ang para sa kanya?

Tugon niya, “Sa ngayon, nag-e-enjoy lang kami.

“Wala pa talaga. Sasabihin ko sa inyo kapag meron na.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa pinakahuling presscon ng pelikulang All of You, ang balik-tambalan nila ni Derek Ramsay, at ang MMFF entry na magbubukas sa mga sinehan sa darating na December 25.

CLOSE-KNIT FAMILY. Base sa mga ibinabahagi nilang mga social media posts, makikitang maayos lahat ngayon sa relasyon nila ni Dennis.

Ang anak niya na si Alex Jazz, malapit din ba sa aktor?

Lahad niya, “Opo, kapag pumupunta si Dennis sa bahay, naglalaro sila.”

Ang tawag daw ni Jazz kay Dennis ay Tito.

Tinanong naman namin si Jenn kung close din siya sa anak ni Dennis na si Calix.

Pakli niya, “Bihira kasi kaming magkita.

“Usually, kapag may okasyon like birthday, Pasko or New Year, Father’s Day or Mother’s Day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga ganyan na okasyon, nagkikita-kita kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN