Ellen Adarna posts lip-lock kissing photo with John Lloyd Cruz

by Arniel C. Serato
Dec 4, 2017
Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang kampo nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ukol sa pagbubuntis ng sexy star. 

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang kissing photo nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Kahapon, December 3, isang netizen na may handlename na @ellen_johnlloyd ang nag-post sa Instagram ng intimate kissing photo ng magkasintahan.

Ayon sa caption, kuha raw ang larawan sa Bantayan Island getaway ng dalawa noong Setyembre.

Nakalagay sa caption: "Soul meets soul on lovers' lips. TBS...sweet moment during bantayan island vacation."

Kapansin-pansin din ang hinlalaking daliri ni John Lloyd na nababalutan ng plaster.

Hinala ng netizens, ito ang sugat na tinamo ng aktor habang naglalaro ng kutsilyo sa isang video na lumabas noon.

Ayon naman sa ibang netizens, si Ellen mismo ang nag-post ng nasabing larawan sa kanyang Facebook account na Maria Elena Adarna.

Sa larawang ibinahagi ni Ellen noong November 22, makikitang hinahalikan ni John Lloyd ang sexy star habang nagluluto.

Sa comments section, may mga sinagot si Ellen na ilan niyang kaibigan, pero hindi ito tungkol sa relasyon nila ng Kapamilya actor.

Continue reading below ↓

Huling namataan ng publiko ang dalawa sa Cebu nitong nakaraang linggo, kung saan ipinakilala na raw ng sexy star si John Lloyd sa kanyang mga magulang.

STORIES WE ARE TRACKING

Hanggang ngayon, wala pa ring opisyal na pahayag ang mag-partner ukol sa pagbubuntis ni Ellen na unang iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang kampo nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ukol sa pagbubuntis ng sexy star. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results