Derek Ramsay very open to working with ex-girlfriend Angelica Panganiban

IMAGE Noel Orsal

Bagamat nananatiling contract star ng TV5 si Derek Ramsay, hindi maiwasang tanungin kung sino ang mga gusto niyang makatrabaho sa Kapamilya network ngayong gagawa na siya ulit ng pelikula sa Star Cinema. Sinabi ng aktor na nais niyang makatambal si Angel Locsin. "I never worked with her, TV or the big screen. She's a talented, beautiful lady and it would be nice to work with Angel."


Maayos na ang lahat sa pagitan ng ABS-CBN at ng aktor na si Derek Ramsay. 

Noong nakaraang buwan, nakipag-meeting si Derek sa executives ng Kapamilya network ukol sa pagbabalik niya sa kanilang bakuran pagkatapos lumipat sa TV5. 


Stories We Are Tracking

Here's what happened when Derek met with ABS-CBN
Here's what happened when Derek met with ABS-CBN

Sakaling magbalik-Kapamilya na nga siya o kahit sa anumang pelikulang posibleng gawin niya sa Star Cinema, payag ba siyang makatrabaho ang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban?

"Of course," mabilis na tugon ni Derek.

Patuloy niya, “I’ve said that ever since. Angel is one of the best actresses out there.

"Biased man ang dating because she was my girlfriend, but she’s a brilliant actress.

"So ako, kung mabibigyan ako ng opportunity to work with her at maganda ang script, I’m most definitely...

"Muntik na kaming magkatrabaho before."

Kung natuloy raw sana sila, yun ang unang proyekto nilang magkasama pagkatapos ng breakup nila.

“She agreed to do the movie, pero schedule lang.”

RECONNECTING. Masasabi raw ni Derek na maayos na ang relasyon nila ngayon ng dating girlfriend.

Nabanggit nga ng aktor na pagkagaling niya sa bakasyon at habang nasa Siargao naman si Angelica kamakailan lang, nagkausap sila.

“Just when I got back from Italy, kasi kasama niya ang kaibigan ko sa Siargao.

"Tumawag ako sa kaibigan ko, siya ang sumagot.

"'Uy, kamusta?' sabi niya.

“I haven’t spoken to her in a long time. [It was the] third, fourth time I’ve spoken to her since the breakup.”

Paano nila nagawang maging okey na sa isa’t isa?

“Time,” sambit ni Derek.

“She greeted me one time for my birthday and out of the blue.

"So I gave her a call. A little bit of chit-chat, reminisce, and then, after that, nagsabi siya na she’s trying to decorate, yung house niya.

"So I told her I’m willing to help her, I can give her my contacts who helped me with my house.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naging busy kami, we didn’t talk and then, yun, tumawag ako sa kaibigan ko sa Siargao, siya ang sumagot.”

Sa ngayon, walang-dudang masaya si Derek sa kanyang karelasyon na si Joanne Villablanca.

Habang si Angelica naman, iniisip ng karamihan na nakapag-move-on na mula sa kinahinatnan ng naging relasyon nila ni John Lloyd Cruz.

Marami kasi ang nag-akalang nagkabalikan na ang dalawa, pero nagulat na lang ang publiko nang sina John Lloyd at Ellen Adarna na pala.

Ayon naman kay Derek, “Angel will be okay.

“Angel will find the right guy. Imposibleng she doesn’t.  

"She’s a wonderful lady. She’s a sweetheart and she’ll find a right man, and that’s what I hope for.

"She will find a right guy who will treat her right.

“I guess, they had a relationship, they didn’t work-out.

"But from what I see, they’re friends after having a serious relationship, they didn’t work-out but they are both matured to be friends with one another.”

DREAM LEADING LADY. Habang nananatiling Kapatid si Derek dahil sa kanyang existing contract, kaabang-abang naman ang gagawin niyang pelikula kasama sina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa ilalim ng Star Cinema.

Ngunit hindi pa rin maiwasang itanong na kay Derek kung ano ang mga gusto niyang gawing proyekto sa ABS-CBN sakaling tuluyan na siyang magbalik-Kapamilya. 

Pahayag niya, “I haven’t thought that far, but I’ve always said before that I want to work with Angel Locsin because I think she’s a great actress.

"A project with Angel would definitely be something I would be very, very excited.

“I never worked with her, TV or the big screen.

"She’s a talented, beautiful lady and it would be nice to work with Angel."

Sa ngayon, halatang ayaw na munang mag-isip pa ng aktor pagdating sa posibleng pagbabalik-Kapamilya niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inililihis nito sa pelikulang gagawin sa Star Cinema, ang film outfit ng ABS-CBN, kapag natatanong siya tungkol sa pagbabalik sa network.

“Excited ako to work with Direk Ruel Bayani dahil yun ang launching ko sa movie, ang No Other Woman.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek sa grand presscon ng Metro Manila Film Festival 2017 entry nila ni Jennylyn Mercado, ang All Of You. 

Ginanap ito sa Max’s Restaurant, Scout Tuazon, Quezon City, noong December 1.

JEN AS LEADING LADY. Una nang nagsama sina Derek at Jennylyn sa MMFF 2014 entry na English Only, Please kung saan naging patok ang kanilang tambalan.

Sa muling pagsasama nila sa All Of You, nabanggit ni Jennylyn na ang pelikulang ito ang pinaka-daring niyang nagawa.

Saad ni Derek, “Jen is very conservative.

"I find her very conservative even with her FHM [cover], it’s not as daring as the others.

“She’s sexy but, at the same time, conservative.

"So, here it’s not as daring as maybe as No Other Woman or Ex With Benefits, but it’s still sexy or even sexy, kasi sobrang totoo ng istorya.

“That’s why ako, parang hindi na ako umaarte rito.

"I had so much things to bring out—minsan nga, nababaliw na sa akin ang nagnu-note kasi ang dami kong sinasabi, which was things, like, I went back in my college, relationships, breakups, experiences growing-up.

"Parang it’s just so clear and words just came out of my mouth and I’m speaking from my heart.”

Para kay Derek, kung mayroon man siyang nakikitang kaibahan ni Jennylyn sa mga naging leading ladies niya, ito ay ang pagiging mature ng Kapuso actress.

“She’s probably the most mature and most probably because she has a son and you can say that her priority is her son. She works hard for her and for her family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She had a difficult experience of losing a loved one and she’s been doing this for so long.

"Nakikita mo yun sa galaw niya, sa pag-arte niya. She’s very, very mature.

“I’m not saying that my other leading ladies that I worked with are immature, but all of the leading ladies I’ve worked with, siya yung pinaka-mature.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN