Hashtag Jon Lucas defends Tom Doromal against bashers: "Parang kriminal na tingin niyo sa kanya."

IMAGE Allan Sancon / @hashtag_tomdoromal on Instagram

Ayon kay Jon Lucas (kaliwa), sana ay tigilan na ng ilang netizens ang paninisi kay Tom Doromal (kanan) sa pagkalunod ng kapwa nila Hashtags member na si Franco Hernandez. 


Samu’t saring reaksiyon mula sa netizens ang lumitaw matapos ilahad ni Janica Nam Floresca, sa eksklusibong panayam nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang kanyang panig sa pagkalunod ng boyfriend at Hashtags member na si Franco Hernandez.

Namatay si Franco sa karagatan ng Don Marcelino, Davao Occidental, noong November 11. Siya ay 26 years old.

Base sa komento ng ilang netizens, sinisisi nila ang kasamahan ni Franco sa Hashtags na si Tom Doromal, na nag-imbita kina Franco at Janica sa kanilang resort.

Ayon pa sa mga nagkomento, maaari pa raw sanang nakaligtas si Franco kung nasunod lamang ang ilang panuntunan sa pagsakay ng isang bangka, halimbawa na lamang dito ang pagsuot ng life vests.


Stories We Are Tracking

Franco's GF reveals untold details about drowning incident
Franco's GF reveals untold details about drowning incident
Hashtag Franco's girlfriend claims delay in rescue efforts
Hashtag Franco's girlfriend claims delay in rescue efforts

Kaugnay nito, sa pamamagitan ng Facebook post noong Linggo, December 3, ipinagtanggol ng Hashtags member na si Jon Lucas si Tom laban sa bashers nito.

Paglilinaw ni Jon, 22, kapwa niya malapit na kaibigan sina Franco at Tom kaya sana naman daw ay itigil na ang paninisi ng iba kay Tom, 21, lalo pa't hindi pa naririnig ang panig nito tungkol sa totoong nangyari.

Mensahe ni Jon, “Gustong gusto ko ipagtanggol yung kaibigan ko, gustong gusto ko na maramdaman niya suporta ko sa mga pagkakataong ito!

“Sana andon nalang tayo lahat sa pinangyarihan, para lahat tayo may alam, para kahit mahusgahan niyo siya tatanggapin ko kasi alam natin yung nangyare eh. kaso wala tayo don lahat eh.

“Ang daming istorya eh, biruin niyo ang daming stories, pero di pa natin naririnig lahat lahat! (Both sides) nakakapanghusga na tayo?

“Ang sakit na mawalan ng kaibigan na mabait, tapos ngayon yung kaibigan mong mabait na buhay pa, parang kriminal na tingin niyo sa kanya.

“Sana pwede ko kayo kausapin isa isa para malinawan kayo, hindi tungkol sa pangyayare, kundi tungkol sa nakatakdang kamatayan ng isang tao! Sana lahat aral… sana lahat ng tao naturuan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INSTAGRAM VIDEO. Noong ding December 3 ay nag-post ng Instagram story video si Jon, kung saan makikitang nag-uusap sila ni Tom habang sakay ng magkahiwalay na sasakyan.

Sabi ni Tom, "Okay lang 'yan, Lucas, ha?"

Sagot ni Jon, "Okay lang 'yan, Doromal, ha? Basta, ha? Next time, ha? magsasalita ka, ha?"

A post shared by Love (@roxycoco12) on

Sa hiwalay na Instagram story ni Jon, patuloy silang nagkulitan ni Tom.

Sigaw ni Tom, "Oy, antayin niyo ako!"

Tanong ni Jon, "Saan?"

Sagot ulit ni Tom, "Antayin niyo lang!"

A post shared by Love (@roxycoco12) on

Sa isa pang panayam ng PEP.ph, naglabas din ng saloobin tungkol sa pangyayari ang mga magulang ni Franco na sina Raul at Marissa Lumanlan.


Stories We Are Tracking

Franco Hernandez's parents speak up about drowning incident
Franco Hernandez's parents speak up about drowning incident

Samantala, nananatiling tahimik si Tom kaugnay ng mga pahayag ni Nam at ng mga magulang ni Franco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN