MJ Lastimosa to Rachel Peters: "Marami pang opportunities ang darating sa iyo."

IMAGE Noel Orsal

MJ Lastimosa has only good words for fellow beauty queen Rachel Peters, who recently competed in the Miss Universe 2017 pageant but failed to take home the crown. "Every after events niya every day, she will go to the training camp just to train kahit na madaling-araw na. Just knowing na she has so much heart for this competition, feeling ko nakalimutan na natin i-appreciate yung mga bagay na ginawa niya just to show the world how a Filipina woman worked hard for a competition."


Sa pagkabigo ni Rachel Peters na maiuwi ang korona sa Miss Universe 2017, may payo sa kanya ang Miss Universe 2014 candidate na si Mary Jean Lastimosa.

Kagaya ni MJ, hanggang sa Top 10 lang umabot si Rachel.

"Ang masasabi ko sa kanya, just embrace it.

"Kung anuman ang nararamdaman mo, lilipas din 'yan.

"I was so sad when I didn’t win the cut but life goes on," pag-alala ni MJ sa paglaban niya sa Miss Universe noong January 2015.

Mensahe pa niya kay Rachel, "After that, there’s so much doors to open for you, you’re a wonderful person, you’re beautiful, you have a beautiful heart.

"I know that marami pang opportunities ang darating sa iyo. Mahal ka namin and sinuportahan ka namin."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si MJ sa ABS-CBN Just Love trade launch, na ginanap sa Vertis North Tent, sa Quezon City, noong November 28.

HIGH EXPECTATIONS. Ayon kay MJ, masyado kasing mataas ang expectations ng Pinoys sa mga kandidata natin at inaasahan na sa bawat taon ay iuuwi natin ang korona.

“I think she apologized, first of all, because of the expectations of the Filipino people.

"Kasi, every year, we’ve been making it to the cut, di ba?

"Siguro yun nga, ang expectation lang ng mga Filipino sa mga candidates natin every year, masyado nang mataas.

"Nakakalimutan nila na it’s still a competition.

"There are ninety-plus women, all vying for one crown, and all of these women are the best in their countries."

Patuloy ng La Luna Sangre actress, "Feeling ko, nakakalimutan natin na hindi naman puwede na isang bansa lang ang manalo again and again and again.

“Every candidate representing their country, they’re just [there] of course to showcase the beauty of their country.

"Instead na ma-appreciate natin yung efforts... kasi I’ve seen how Rachel worked so hard for this pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Every after events niya every day, she will go to the training camp just to train kahit na madaling-araw na.

"Just knowing na she has so much heart for this competition, feeling ko nakalimutan na natin i-appreciate yung mga bagay na ginawa niya just to show the world how a Filipina woman worked hard for a competition."

BEAUTY CAMPS. Hiningan din ng reaksiyon si MJ sa pamba-bash na tinanggap ni Pia Wurtzbach, isa sa judges ng Miss Universe 2017.

Pinaratangan ng ilang netizens si Pia na insecure, at dahil galing sila sa magkaibang training camps kaya pinatalo raw nito si Rachel.

Ang Miss Universe 2015 na si Pia ay kilalang nag-train sa kampo ng Aces & Queens, na pinamumunuan ni Jonas Gaffud.

Si Rachel naman ay mula sa Kagandahang Flores, sa pangunguna ng founder na si Rodin Flores.

May paliwanang naman si MJ dito.

Aniya, “I think, in every competition naman, kahit di pageant 'yan, kahit siguro basketball pa 'yan, maghahanap at maghahanap tayo ng ibe-blame natin pag di tayo nananalo or di yun favor sa atin.

"I think it was just natural na lahat ng reaksiyon ng mga tao, speculations, mga gawa-gawa na nila yun.

"Sana huwag tayong mag-conclude kasi di naman natin alam kung ano yung nangyari.

"Kung anuman ang naririnig natin, it may sound na, 'Naku, parang totoo talaga. Ito talaga reliable source,' pero hindi pa rin totoo 'yan.

"Lahat 'yan haka-haka lang.

"So, whatever happened behind [the scenes], I’m sure naman Pia supported Rachel.

"Alam ko na ginawa niya lang din yung dapat niyang gawin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN