Robin Padilla recalls life in prison: "Walang nagreklamo diyan na ako'y nag-VIP treatment."

IMAGE Mark Atienza

Robin Padilla opens up about his experiences as an inmate in New Bilibid Prison after he was convicted for illegal possession of firearms in 1994. "Wala ho kayong mababalitaan na ako'y nag-VIP treatment sa loob, wala hong nagreklamo…" he says.


Binalikan ni Robin Padilla ang karanasan niya bilang preso nang makulong siya sa New Bilibid Prison noong 1994 dahil sa kasong illegal possession of firearms.

Ayon sa 48-year-old actor, maipagmamalaki niyang hindi siya binigyan ng VIP treatment sa loob ng apat na taong pagkakakulong.

“Wala ho kayong mababalitaan na ako’y nag-VIP treatment sa loob, wala hong nagreklamo…

“Ilang libo kami sa loob. Walang nagreklamo diyan na ako’y nag-VIP treatment.

“Ako po’y nakisama, ako’y pumarehas, ako’y tumulong sa Bilibid, ako’y nagtrabaho sa Bilibid,” pahayag ni Robin sa panayam sa kanya sa episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, ngayong Martes, December 5.

Kuwento pa ng aktor, inilagay niya sa peligro ang buhay nang kumilos siya upang masupil ang ilegal na operasyon ng droga sa loob.

Nagbunga naman daw ang kanyang pagpupursige dahil nakalaya siya nang mas maaga.

Sa tulong din ng ibang preso, nakapagpatayo sila ng tatlong rehabilitation centers sa Bilibid.

“Ako’y nakalaya dahil ipinaglaban ko sa loob ‘yon.

“Nakapagtayo ako, kasama siyempre ang ibang bilanggo, nakapagtayo po ako ng tatlong building diyan ng rehabilitation sa loob.”

GOOD BEHAVIOR. Kuwento pa ni Robin, higit sa dalawang dekada ang sentensiya sa kanya sa loob ng preso, subalit napaaga ang paglaya niya dahil sa “good behavior.”

“Wala ho akong palakasan, gusto ko hong sabihin at ipagyabang yun, hindi ho ako gumamit ng palakasan.

“Lumaya ho ako dahil sa good behavior. Lumaya ho ako dahil dun,” diin niya.

Malaki rin ang nagbago sa buhay ni Robin dahil natagpuan daw niya muli sa loob ng kulungan ang Diyos.

“May Diyos. Kasi ang sentensiya ko ho, 17 to 21 years, e.

“Ang sabi sa akin ng director ng Bureau, ‘Paglabas mo rito, lolo ka na. Kung hindi ka babalik sa Diyos at mananalangin nang taimtim, masisiraan ka na ng loob.’

"Kaya sa Bilibid, talagang masasabi kong nanumbalik ako talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung faith, hinanap ko yung faith. Hindi puwedeng mabuhay ka nang walang faith.

“Dun ko [naisip] walang imposible talaga pag nanalig ka talaga, e.

“Kasi galing ako sa 17 to 25 years [of imprisonment]. Naging 10 to 18 muna yun.”

Noong panahon daw na iyon, may paghahangad na ibaba ang sentensiya sa kaso ng illegal possession of firearms.

“Kasi ang batas na tumama ho sa akin, batas pa ng martial law.

“Yung mga congressman mismo, senador mismo, ang ginawa nila, tinama nila yung batas, ginawa na lang six to eight years.”

Naaprubahan daw ang pagbawas ng sentensiya sa kasong illegal possession of firearms nang pirmahan ito ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Pero hindi raw agad lumaya si Robin.

“Pagkapirma ho ni President Ramos ng batas na yun, daan na ho ang lumaya kaagad, hindi muna ako, ilang daan na kaagad ang lumaya, kasi bumaba na ang sentensiya."

Pagkatapos ng higit dalawang taon sa kulungan, nakalaya si Robin dahil sa conditional pardon ni ibinigay ni Ramos sa kanya noong 1998.

Noong November 2016, binigyan naman si Robin ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN