Yul Servo shrugs off decades-long rumor with Piolo Pascual

IMAGE Allan Diones

Yul Servo on friendship with Piolo Pascual: "Kasi, parang wala namang ano, e, okay naman yung pagkakaibigan namin, e. Tsaka nakita ko namang mabuti siyang tao. Kaya lahat ng anak ko, ninong siya, e!"


Tuloy pa rin ang pagiging malapit na magkaibigan nina Yul Servo at Piolo Pascual.

Ito ay sa kabila ng hindi matapus-tapos na usap-usapang may iba pa diumanong namamagitan sa kanila bukod sa pagiging magkaibigan.

Noon pa may ay madalas nang iniintrigang may relasyon sina Yul at Piolo, parehong 40 years old.

Pero hindi raw sila apektado rito.

Sabi ni Yul, “Hindi na, okay na sa akin. Wala na, wala na sa akin.”

Kahit daw kay Piolo ay balewala ang mga intriga.

“Mas ano siya dati, siya ang wala na talaga dati.

“Ako pa nga ang medyo [naaapektuhan] dati. Pero sa kanya, wala.”

Kapag naririnig niyang pinagdududahan ang gender ni Piolo, ano ang nararamdaman ni Yul?

Tugon niya, “Wala! Alam ko kaya niya yun, e!

“Kasi hindi naman namin papasukin ito kung hindi namin kakayanin, e.”

Hindi ba niya sinasabihan si Piolo na mag-asawa na para huwag nang matsismis?

“Wala pa daw siyang maano, e… wala pa yung right girl.”

Paano kung hindi mag-asawa si Piolo?

“Puwede rin namang ano... hindi ko alam, kumporme sa kanya. Siyempre siya yung ano.

"Pero kung ako yun, okay rin, walang asawa, walang responsibilidad. Madami lang chicks!” at tumawa si Yul.

Marami bang chicks si Piolo?

“Dati! E, ano siya, nag-Born Again.”

LONGTIME FRIENDS. Paano nila napapanatili ni Piolo ang kanilang friendship?

Saad ni Yul, “Kasi, parang wala namang ano, e, okay naman yung pagkakaibigan namin, e.

"Tsaka nakita ko namang mabuti siyang tao.

“Kaya lahat ng anak ko, ninong siya, e!”

Tatlo sa limang anak ni Yul ay ninong si Piolo.

“Ngayon, kukunin ko siya ulit ninong.”

Bibinyagan ang bunsong anak ni Yul at si Piolo muli ang isa sa mga ninong nito, kaya apat na anak na ni Yul ang inaanak ni Piolo.

Na-meet na rin ni Yul ang binatang anak ni Piolo na si Inigo Pascual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman!”

Mga bata pa lang daw ang mga anak nila ay magkakakilala na.

May mensahe ba siya sa mga taong patuloy na nilalagyan ng kulay ang pagkakaibigan nila ni Piolo?

“Wala naman. Be happy lang,” nakangiting sabi ni Yul.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yul sa Christmas party ng Production 56 ni Maryo J. de los Reyes, na ginanap sa Annabel’s restaurant sa may Tomas Morato, Quezon City, Martes ng gabi, December 5.

Isa si Yul sa prized talents ng naturang management company, na kinabibilangan din nina Ruru Madrid, Nash Aguas, Migs Cuaderno, Barbara Miguel, actor/martial arts champion Xyruz Cruz, Mr. Gay-World 2017 John Raspado, model/actor Orlando Sol, at ang Masculados.

GIVING BACK. Patuloy rin ang pagtutulungan nila para makapagbahagi ng biyaya sa mga nangangailangan.

Kamakailan lamang ay nag-donate si Piolo ng libu-libong grocery bags sa mga taga-Maynila, kung saan kongresista ng Third District si Yul.

Kuwento ni Yul, “Yung birthday ni Piolo Pascual, ginawa niya sa… kung puwede ba daw akong magbigay sa mga mahihirap, indigent.

“Kasi nung nakaraan daw, nagbigay siya, pero ang mga binibigyan niya, naka-cellphone, naka-iPhone.

“Parang sabi ko, ‘Hindi, sa amin maraming mahihirap, marami kaming indigent.”

Nang nagsabi nga si Piolo na nais nitong mamahagi ay hiningan na ito ng tulong ni Yul.

“Kasi malaking bagay din po, hindi naman kaya ng gobyerno, biro mo nagbigay siya ng five thousand na goods, at hindi lang basta goods.

“Siguro sa larangan ng pag-aano ko sa pulitika, dun lang ako nakakita ng namimigay ng goods na ganun.”

Mga mamahalin?

“Hindi lang, madami! May doughnut pa, may kung anu-ano pa,” sagot ni Yul.

Sa Binondo raw sila namahagi at lahat daw ng ipinamigay nila sa limang libong pamilya ay kay Piolo nanggaling.

“Oo, ako lang yung nag-organize.”

Maging noong tumakbo si Yul sa pulitika ay supportive daw si Piolo sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinuportahan niya ako nung unang takbo ko, nung 2007, as konsehal. Tapos, the rest, hindi na ako humingi ng tulong.

“Tapos, itong unang term ko, humingi ulit ako ng tulong sa kanya, as congressman na.”

Ito nga ang pamamahagi nila ng grocery items.

Proud daw si Piolo na isa na ngayong congressman si Yul.

“Oo, proud siya! Kasi tatlo kaming magkakaibigan, e.

“Parang siya… siya yung unang nakakamit ng pangarap, e.

“Tapos, parang pangalawa ako.

“Tapos, yung kaibigan namin, sa ngayon, nag-e-exhibit naman sa Pinto Gallery [Art Museum sa Antipolo], si Jay Viriña.

“Artista dati yun, e, Jayjay Flores, yung sa Gulong ng Palad.”

Si Piolo ba ay walang planong pasukin ang pulitka?

“Actually dati, siya yung mas unang ano e, parang siya yung inaano, sa Pasig. Sa pagkakaalam ko, siya yung unang sinabihan na pinapatakbo siya.

“Ayaw niya, e. Mas gusto niyang mag-artista. Parang hindi pa siya ano. Tapos ako yung nakapasok.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN