Sunshine Cruz shuts down 'dining table' blind item: "Macky and I will never do such a thing!"

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Sunshine Cruz reveals that she is getting insults from netizens after a malicious blind item came out. In the blind item, an actress and her boyfriend was allegedly caught making love on top of a dining table by one of her daughters. Sunshine says she and her boyfriend Macky Mathay "will never do such a thing!"


Nag-react ang aktres si Sunshine Cruz tungkol sa isang blind item na diumano’y tumutukoy sa kanila ng kanyang boyfriend na si Macky Mathay.

Nagsimula ang lahat nang magkomento ang isang netizen (@choco_kaye_1982) sa Instagram post ni Sunshine.

Sa comments section, ibinahagi ng netizen ang tungkol sa isang blind item na lumabas sa isang showbiz blogsite.

Ayon sa blind item, nagtatalik daw ang isang aktres at boyfriend nito sa dining table nang mahuli sila sa akto ng isa sa mga anak ng aktres.

Sabi ng netizen, kulang na lang daw ay pangalanan ang actress at boyfriend nito na tinutukoy sa blind item.

Parehong naka-tag sina Sunshine at Macky sa komento ng netizen.

Nag-react si Sunshine sa komento ng netizen.

Ayon sa 40-year-old actress, marami siyang “natatanggap na comments and pambubuska [regarding] MY DINING TABLE…”

Mensahe ni Sunshine, “I would want to believe the BI [blind item] is not pertaining to us…

“If this is indeed pinpointing to us, then this is definitely humiliating and hilarious at the same time."

Pero diin niya, “This is A LIE.”


Sabi pa ng Wildflower actress, “Macky and I will never do such a thing!”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN